^

Kutob

Nobyembre 19, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Salamat sa dakilang pag-ibig ng Dios, malaya ako.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tiyakin na ang mga binibili ay ang mga kailangan lamang. Hindi ngayon ang tamang panahon para mag-aksaya ng pera dahil may paghahandaan sa darating na mga araw. Iwasan ang pagbili ng mga bagay na walang kabuluhan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 23, 41 at green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Paglaanan ng atensiyon at panahon ang sarili. Hindi mabuti ang ginagawang sobrang pagpapagod. Kailangang paminsan-minsan ay lumalabas nang makita ang kagandahan ng paligid at hindi laging nakakulong sa isang lugar lamang. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 20, 34 at neon green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Nagbunga na ang pinaghirapan. Magiging maganda ang takbo ng buhay kaysa nitong mga nagdaang buwan. Matutong mag-ipon para hindi na muling magipit sa kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 45 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Manatiling tapat sa minamahal. Kung may nais sabihin, huwag mangiming magsalita. Gaano man kalungkot ang mga balita ay matututunan niyang tanggapin. Gaano man kasaya ang balita, asahan na doble ang kasiyahan na madarama niya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 21, 30 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Isang dating kaklase, kaibigan o kamag-anak na  matagal nang nais kang makausap subalit lagi mong iniiwasan. Ano man ang dahilan ng pag-iwas, mabuting kausapin ito. Walang mangyayari kung patuloy na magkikimkim ng sama ng loob sa taong nagpapakumbaba. Panahon na ng pagpatawad. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 39, 41 at cream.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag magsimula ng panibagong gawain kung hindi tapos ang sinimulan. Ihanda ang sarili sa problemang maaaring darating sa pinansiyal o relas­yon. Tiyakin na nasa maayos at mabigyang pansin ang mahahalagang bagay dahil maaaring malayo o mawala ng hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 18, 23 at red ruby.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang matagal nang hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang o mismong nasa harapan na. Huwag nang lumayo ng tingin. Baka hindi lang napapansin dahil hindi sa inaakalang lugar makikita. Lucky numbers at color for the day ang 12, 28, 37, 45 at peach.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Hindi masama ang maging masaya subalit huwag kalimutan na may mga responsibilidad na hindi dapat pabayaan. Mas nanaisin na mamasyal at magsaya kasama ang ilang kaibigan kaysa obligasyon sa pamilya, tahanan o hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 30, 37 ay sun yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ano man ang mangyari, nananatiling matatag at hindi basta susuko. Magiging negatibo ka ngayon kung mag-iisip na kahit maganda ang araw, nananatiling nababahala at iniisip na may hindi magandang mangyayari. Maging positibo para maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 24, 32 at purple.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Makakabuting magmasid, makinig at pag-aralan ang mga pangyayari at saka magbigay ng komento o opinyon. Huwag kaagad magbigay ng reaksiyon sa mga pangyayari. Huwag gayahin ang iba na gumagawa ng maling gawain para mapanatili ang dignidad. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 12, 15 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Hindi matatapos ang problema kung hindi ito haharapin at hahanapan ng solusyon. Hindi sa lahat ng oras ay magagawang iwasan at hayaan lamang ang suliranin. Nasa tabi lamang ang kailangang solusyon kung pagsisikapang hanapin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 30, 40 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Sa ayaw o gusto, kailangan nang magsimulang kumilos. Oras na para balikan ang mga iniwang trabaho. Bagama’t tinatamad, matutuwa kapag nakitang unti-unting natatapos ang trabaho. Sapat na ang iniisip na plano kung paano ito gawin. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 35, 39, 44, 53 at scarlet red.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with