^

Kutob

Nobyembre 13, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Salamat sa katapatan ng Dios, laging buo ang pag-asa ko.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –  Tama ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang magsaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 14, 20 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Magsimula ng pagba-budget at mag-impok para may madukot kung may kakailanganin sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyayari. Ang tamang pagtitipid ay kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –   Kung may transaksyon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 19, 37 at red.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Kung ang nasa kalooban ay tapat at walang pagkukunwari, nasa tamang landas ka ng tagumpay. Maaaring may pagsubok mula sa kahirapan, kakapusan, relasyon o malamang sa trabaho. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 16, 34 at honey yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni sa kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhaing pag-iisip na angkop sa pagpaplano sa kinabukasan. Matatapos ang gawain na nasimulan na walang hadlang o abala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 19, 41, at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang payo sa pinansiyal ay isaalang-alang at pag-aralang mabuti. May pagkakataon sa soyal na aktibidad, magkakaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang nagmamadali sa pagpapasiya ay malalagay sa panganib. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 19, 29 at emerald green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang komplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa harap ng alanganing sitwasyon. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga at masasangkot lamang sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Huwag magpadala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga, ang labis na pagseselos ang magbibigay ng malaking problema sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 26, 27 at fuchsia.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, sa suliranin ay kasangkot ang ilang kasamahan pero madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig Lucky numbers at color for the day ang 9, 22, 29, 33 at electric blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –   Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansiyal na dapat bigyang halaga. Kailangan mag-ingat at magtipid sa hawak na salapi. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at dollar green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malaking pasasalamat kung matutulungan ng isang kaibigan o kamag-anak. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi babayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 32, 39, 42 at pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahahalagahan. Mahalaga ang tulong na naibigay ng iba at nakatulong noon. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 12, 15 at turquoise.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with