^

Kutob

Oktubre 19, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mahal ako ng Dios, hindi ‘yon mababago.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Isang kasambahay ang maglalambing ngunit maghanda dahil may kailangan. Maraming gawain subalit bigyan ng panahon na makapag-isip kung ano ang dapat unahin. Bigyan ng pansin ang kapakanan ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at jade green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Unti-unting makakamit ang tagumpay kung patuloy ang pagsisikap. May kaunting hindi pagkakaunawaan na namumuo sa tahanan o pinapasukan. Subukan ang mamagitan para ayusin, tiyakin na hindi ka makakasali sa kaguluhan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Walang problema sa gawain. Maayos ang kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Walang dapat ikabahala, magiging maayos ang takbo ng buhay sa mga susunod pang mga araw. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 43 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Lalong mapapalapit ang isa’t isa kung magiging tapat at walang pambobola. Magiging makulay at masaya ang relasyon sa simpleng pagpapakita ng pag-aalala at kalinga. Iwasan ang maging plastik dahil mabubuking. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 golden brown.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Isang proyekto ang hahamon sa talino at galing ang darating. Malamang mahihirapan ka subalit kung pagsisikapan, tiyak magtatagumpay. Ang bola ng tagumpay ay nasa kamay, nasa desisyon kung papaano papakilusin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at silver.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Dahil sa pride, tuluyan nang mawawala ang minamahal at hindi maiiwasan na sisihin ang sarili. Kung mayroong mawawala o nawala tungkol sa relasyon, magpasalamat dahil tiyak hindi magiging maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at rainbow.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat sa pamamalita o sa sinasabi dahil baka ang balita ay maganda ngunit magiging pangit dahil sa paraan ng pagkakasabi. Walang masama kung pag-iisipan muna kung ang sasabihin ay makakasama o makakabuti. Iwasan ang magyabang. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung naging magulo ang sitwasyon sa relasyong pinasukan, walang masama kung puputulin hangga’t maaga. Ang kapakanan ng sarili ang siyang unahin bago sa iba. Hindi ka maaaring makatulong sa iba kung kailangan ng sarili, maliban kung may sobra. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Nasa kondis­yon ang mental na kakayahan at handang harapin ang pakikibaka. Walang puwang na magkamali, kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mag-ingat sa ginagawa at tiyakin na hindi labag sa kagandahang-asal o hindi makakapagpahamak ng iba. Tiyakin na ang ginagawa ay nasa isip. Nakabuntot ang kapahamakan kaya ibayong ingat ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan magpadalus-dalos sa anumang gawain o desisyon dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali sa iyong panig. Huwag maniwala sa matatamis na salita at baka madaya at maloko. Malamang isang hindi inaasahang pangyayari ang magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Hindi maiiwasan ang argumento ngunit maiiwasan ang mapaaway o masangkot sa gulo. Huwag patulan ang argumentong magsisimula sa hindi pagkakaunawaan. Kung mayroong hindi pagkakaunawaan, maging kalma at huwag pasukin ang kumpromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at lilac.

vuukle comment

COLOR

DAY

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with