^

Kutob

Oktubre 12, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Bubuhos ang pagpapala sa bawat matuwid na gawain ng aking mga kamay.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Matutuklasan ang sariling potensyal kung paano magiging kapaki-pakinabang. Ituloy ang naudlot na mithiin at tiyak magtatagumpay. Ilang kaibigan ang tutulong na maituwid ang maling pananaw tungkol sa usaping pag-ibig o hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 30, 36 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Sasang-ayon sa panukala ang mga kasama. Lingunin ang pinanggalingan para makarating sa patutunguhan. Bayaran ang mga obligasyon at pinagkakautangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 27, 32 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Isulong ang planong pangkabuhayan na naisip noong mga buwang nakalipas dahil may biyayang naghihintay. Matutugunan ang hamon ng oportunidad na kusang darating. Maging alerto at maagap. Inaayunan ng panahon ang pagtuklas. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 25, 38 at fuchsia.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kundisyon ang isip at katawan. Kailangan ang lakas ng katawan sa haharaping problema. Alisin ang galit na namamahay sa dibdib. Magpatawad sa mga taong nagkasala para gumaan ang iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 29, 35, 40 at gray.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Malulutas ang kagipitan kung pagsisikapan na hanapan ng solusyon. Kung ano ang magandang naisip, kilos kaagad. Manatiling mahinahon. Layuan ang mga taong mapupusok dahil maaaring ipahamak ka nila. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 28, 31 at indigo.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magkakaroon ng kaukulang paliwanag ang isang akusasyon o pagbibintang. May darating na bagay buhat sa ibang bansa. Hindi mapapawi ang nararamdamang pangungulila, dapat paglabanan. Manalangin ng taos puso upang maibsan ang bigat ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 24, 31, 43 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Malamang maturuan ka ng leksiyon sa pangyayaring masasaksihan. Mahalagang pakinggan ang binubulong ng konsensiya na maging hakbang sa kapakanan ng minamahal. Itikom ang bibig para hindi mapaaway. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 34, 44 at orange.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging mailap ang kapaya­paan ng kalooban. Patawarin ang taong kinakainisan para maging tahimik ang kunsensiya. Ituloy ang nasimulan gawin. Maging alerto sa ginagawa para hindi magkamali o mapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 27, 33, at red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mapapatunayan ng sarili na ang sinayang na panahon ay hindi na maibabalik. Ituloy ang nasimulang trabaho dahil may biyayang naghihintay. Iwasan ang anumang uri ng sugal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 18, 26 at green.   

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – May mga pagkakamali kang magagawa kung hindi mag-iingat. Malamang may dadalaw na kaibigan mula sa malayong lugar. May magandang oportunidad na naghihintay kung makakadalo sa isang salu-salo o pagtitipon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 26, 43 at moss green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May intriga kang maririnig na sisirain ang iyong interes. Huwag padala sa intriga at ituloy ang gawain o binabalak. Magpasalamat dahil mahaharap mo ngayon ang matagal nang mga plano. Malamang makasama ang pamilya sa isang lakaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 27, 32 at lavender.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan ang usapan na karaniwang ugat ng hindi pagkakaunawaan. Huwag magpadala sa pagka-agresibo na kailangan para hindi masangkot. Panatilihin ang tiwala at respeto ng kasambahay. Pag-ukulan ng pansin ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 25, 42 at turquoise.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

ITULOY

LUCKY

MALAMANG

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with