^

Kutob

Setyembre 27, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang mga tinatamasa ko ay galing sa Dios, ipinagkakatiwala ko sa Kanya ang lahat.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maaasahan na malaking pakinabang ang ibubunga ng ginagawa. Kung nag-a-apply ng trabaho at lalakarin ngayon, malaki ang posibilidad na matanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 41 at green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Maganda ang iyong hangarin, ang kulang nga lang ay implementasyon at kilos. Kung sisimulang gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Hindi masama kung kasing lawak ng langit ang iyong pangarap na kaunlaran sa buhay. Ang hindi maganda kung hanggang pa­ngarap ka lamang at wala sa gawa, sikap at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 18, 30 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Nasa tamang daan ng kaunlaran ang iyong nilalandas kaya ituloy ang ginagawa. Ang payo o suhestiyon ay dapat pakinggan at timbangin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 39 at aquamarine.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.  

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung inaakala mong tama ka, gawin dahil malakas ang iyong ESP. Maliban kung ang gagawin ay labag sa batas ng Diyos at tao. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at makantiyaw. Huwag patulan ang biro o kantiyaw dahil hahantong sa hindi magandang pangyayari na pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fuchsia.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Walang masama kung aalamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Iwasan magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang nasa huli. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) Magiging mapusok ka ngayon at kung walang disiplina sa sarili, ihahatid ka sa kapahamakan. Sa lahat ng bagay taglayin ang magdalawang-isip kung anong kabutihan at kasamaan ang dulot bago magdesisyon. Huwag basta maniwala sa tsismis at sulsol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Tiyaga at sikap ang maliwanag na sikreto at sangkap ng tagumpay. At kung ito ay palaging tataglayin, walang dahilan na maghikahos. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung abot sa sukdulan ang iyong pagti­timpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa komunikasyon o makipag-usap sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa at magiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

 

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with