^

Kutob

Agosto 14, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Anuman ang pasakit o karamdaman ang hatid ng mundo, may kagalingan sa mahabagin at makapangyarihang pag-ibig ng Dios sa akin.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Hindi mo papayagan na dahil sa pagkabigo ay magmumukmok ka sa isang tabi. Maging praktikal sa pamimili, bilhin ang nararapat para hindi ka kapusin sa darating na araw. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Madaragdagan ang tiwala sa sarili. Ilang kakilala ang mangungumbinsi na ikaw ay mangibang-bansa. May magandang balitang matatangap. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Iwasan ang mainggit sa kapwa. Sikaping gawin ang makakaya at doblehin ang tiyaga sa mga ginagawa. May isang tao na ikaw ang sisisihin sa ginawa niyang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kung hindi sigurado sa gagawin, huwag mo munang ituloy. Sa iyo nakatuon ang pansin ng mga kasama kaya pagbutihin ang mga gagawin. Iwasan ang magtsismis sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21)Huwag seryosohin ang mga binabatong biro dahil sasama ang loob mo. Manood ng sine, kumain sa labas o mag-shopping para ikaw ay malibang. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kapag nasabi mo ang matagal mo nang gustong sabihin, hindi mo pagsisisihan na nasabi ito. Maaaring mag-iba ang pakikitungo sa isang kaibigan dahil sa nasirang tiwala. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Sa simula, tatawanan mo lang ang isang kumakalat na tsismis tungkol sa iyo. Ngunit ‘pag nagpatuloy ito, ikaw ay mangangamba. Tulungan ang taong kailangan ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag matakot sa mga challenges ng buhay. Mas magiging romantiko at matibay ang pagsasama ng minamahal kung marunong magtiwala. May sulat o mensahe kang matatanggap na hindi mo inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Hindi agad makukuha ang gustong makamit. Huwag agad susuko dahil kailangan ang pagsubok para makamtan ang tagumpay. Makakasama sa importanteng lakad ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Dahil sa sakit ng ulo na mararamdaman dulot ng heat stroke, mawawalan ka ng gana na mamasyal kasama ang mga kaibigan. Sa halip ay maglilinis ka ng bahay maghapon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon. 

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Dahil sa dami ng problemang kinakaharap ngayon, nangangarap ka na sana nasa ibang bansa ka. May magtatampong kaibigan, kasambahay o kasamahan sa iyo dahil hindi mo mapaunlakan ang hiling. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.  

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ikakagulat mo na masyadong mababait ang mga tao sa paligid mo sa araw na ito. Suportado ka nila sa lahat ng nanaisin mo. Ngayon dapat iwasan ang mga barkada dahil masasabit sila sa iyong gawain o ikaw ang masasabit sa gagawin nila. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with