^

Kutob

Hulyo 16, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pag-ibig ng Dios ay pantay Niyang pinagkakaloob sa lahat.

CANCER (Hunyo 21- Hul­yo 22) – Huwag patangay sa emosyon. Huwag ibigay kaagad ang pagtitiwala, manapay na pag-aralan muna ang mga bagay-bagay. May malaking pag-asa na magtatagumpay sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 12, 23 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Paglabanan o iwaglit ang ugaling mapagpuna sa ibang tao. Huwag magpautang at tiyak mahihirapan sa pagbabayad ang umutang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 22 at aquamarine.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Makakatagpo ng bagong kakilala sa hindi inaasahang pagkakataon. Maaa­ring mabigyan ng sulosyon ang matagal nang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 16, 28 at butter yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May hihilingin ang minamahal na dapat hindi ipagkait dahil pagmumulan ito ng sama ng kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 20, 29 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –Madaragdagan ang kikitain kung pagsisikapan. Tatanggap ng bayad sa pautang na matagal nang hindi nababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 19, 25 at flame red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Mapapanatili ang harmoniya sa minamahal, tahanan, kaibigan at mga kasamahan. Ang maging positibo sa lahat ng bagay ay magbibigay ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 9, 19, 26, 28 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ngayon ang pagkakataon para pag-ukulan ng panahon ang mga pansariling binabalak. Timpihin ang anumang hinanakit para maiwasan ang pagsiklab ng gulo o away. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 19, 39 at champagne yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – May katuparan ang pangarap kung itutuloy ang binabalak. Ngayon magagamit ang mga natutuhan sa trabaho para sa personal na pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 23, 29 at maroon.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Laging tandaan na daig ng maagap ang masikap kaya huwag magpahuli. Ma­ging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa para maging matagumpay sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 10, 14 at peach.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Anumang problema sa nakaraan ay may kalutasan ngayon kung pagsisikapang hanapan ng solusyon. Mag-ingat sa pakikitungo sa mga taong kakikilala pa lamang at baka malinlang. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 32 at magenta.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung ano ang nararamdaman dapat huwag ipagwalang bahala at ipasuri kaagad sa dalubhasa. Pansinin ang iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 24, 39, 41 at fuschia.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging pikon ka ngayon kaya pairalin ang pagkamahinahon. Huwag pansinin ang mga biro at kantiyaw. Huwag magsugal at maglasing. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 24 at hot pink.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with