^

Kutob

Abril 15, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Ang pag-ibig ng Dios ang mananaig sa buhay ko.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Disiplina ang kaila­ngan dahil magiging mainit ka sa pag-ibig. Magiging mapusok at kung hindi mapaglalabanan, malalagay sa panganib. Pag-aralang mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikakaligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad. Harapin ang responsibilidad nang buong tatag. Anumang desisyon ang ginawa, tama o mali panindigan at panagutan. Mag-isip at maging mahinahon sa anumang ginagawa o gagawin upang maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.  

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Iwasang mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil magiging mabagsik at masungit ka ngayon. Iwasan ang mapagbiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.   

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Bagay ang pakiki­salamuhang sosyal. Huwag palampasin kung may mag-aya. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twin-flame. Kung isang Aries o Sagittarius ang makikilala, hahantong sa isang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.  

LEO  (Hulyo 23 - Agosto 22) – May gantimpalang naka­laan sa pagbibigay ng tulong sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin at kung gugustuhin, mapaglalaanan ng panahon at maisasakatuparan. Magiging masuwerte kung kikilos kaagad at gagawin ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.   

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang hindi nagawa o napansin noon ay may panahon na matapos. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masu­sing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Ang panahon ng pagpapahinga ay bagay para makapag-isip ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.  

LIBRA (Setyembre  24 - Oktubre 23) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol. Iwasan ang magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang mapalayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.  

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Masuwerte sa anumang uri ng negosyo kapag nakapagsimula nga­yon. Malakas at malaki ang kikitain kung freelancer. Kung gaano ka kasuwerte sa negosyo, kabaligtaran naman ang mang­yayari sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kakapusan ng pera ang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Dapat unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.    

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) –  Ang pagkakaisa ay naaayon sa panahon at pagkakataon kaya dapat samantalahin. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang pagkatao. Panahon na upang humingi ng tawad kung may kasalanan at magpatawad kung may nagkakasala. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white. 

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Huwag idaan sa init ng ulo o maging emosyonal sa pagganap ng trabaho upang hindi mapahamak. Maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang pakikipag-tsismisan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.  

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapag-init ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang pagbigyan. Ang malinis ng kapaligiran sa tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan. Iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with