^

Kutob

Abril 14, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Unahin ang Dios na pinagmumulan ng mabubuting bagay, sa lahat ng pagkakataon.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Sipag at matinong pag-iisip ang puhunan para umunlad. Ang madalas na pagsasawalang bahala ay dapat nang baguhin. Kung makakarinig ng salita laban sa sarili, mabuting huwag mag-react para makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 24, 38 at purple. 

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Walang problema sa pag-ibig. Magaan ang pakiramdam subalit bigyang pansin ang kapakanan ng kalusugan dahil mahina ang resistensya. Iwasan ang pag-abuso sa kalusugan. Tamang pahinga at pagkain ang kaila­ngan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 33, 44 at yellow. 

GEMINI  (Mayo 21 - Hunyo 21) – Walang katiyakan tungkol sa negosyo. Akyat baba ang benta subalit huwag mawalan ng pag-asa dahil babawi. Iwasan ang mangutang o magpautang. Tutukan ang budget nang mapagkasya sa mga kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 23, 32, 43 at red. 

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ngayon makakatagpo ang soulmate o twin-flame. Kung sakaling muling tumibok ang puso, siya na nga ang perfect partner. Kung may magsisimulang manligaw, gawan ng paraan na hindi makawala dahil ito na ang prince charming. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 25, 34 at peach.  

LEO  (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung may hinihintay, darating maliban ang tungkol sa pag-ibig at pera. Upang hindi magsisi, ang ga­gawing desisyon ay pag-isipan at pag-aralan ng mabuti bago pumalaot. Susubukan ang iyong pagtitimpi sa pi­napasukan o sa tahanan na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 42 at lilac. 

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang balak sa pagbiyahe ay ipagpaliban dahil malapit ka sa aksidente ngayon. Kung ang trabaho ay nasa labas ng bahay, mag-ingat at iwasan maglakad kung walang maha­lagang sadya. Lalong mainam kung ang gawaing bahay ang pag-uukulan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 28, 36 at white. 

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Abala sa pinapasukan at maging sa tahanan. Daranasin ang kapaguran sa gabi subalit kaligayahan ang madarama dahil sa dami ng matatapos. May suliranin tungkol sa anak subalit madaling matutugunan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 38, 40 at fuchsia.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – May oportunidad na darating kaya tiyakin na la­ging bukas ang linya ng komunikasyon para hindi makaalpas. Kung may pinag-usapan na transaksiyon ng nakaraan, ngayon mabubuo. Ang desisyon kung gagawin ngayon, walang palpak. Lucky numbers at color for the day ay 5, 21, 29, 42 at tangerine.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung may nawalang gamit sa tahanan, walang ibang kumuha kundi kasamahan. Kung alahas o pera ang nawala, malabong maibalik. Kapag aalis ng bahay, huwag magsuot ng mamahaling alahas o magdala ng malaking pera. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 30, 37 ay blue.  

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung gipit sa pinansiyal, madaling matutugunan ng kamag-anak o kaibigan. Makaka-asa ng tulong sa kaibigan o kamag-anak. Kung masagana, ikaw ang makapagbibigay ng tulong. May dahilan para makapagpapayo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 32, 42 at beige. 

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Labanan ang maging masungit at magagalitin dahil hahadlangan ang lumalandas na su­werte. Kung magiging mahinahon, kahit may suliranin ang tamang solusyon ay madaling mahahagilap. Malamang mabayaran kung nagkautang o may magbayad ng utang. Lucky numbers at color for the day ay 29, 31, 38, 43 at brown.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Nasa tamang landas ang kaunlaran kaya lang ang pa­minsan-minsang negatibong pag-iisip ay tinik na magpapabagal sa dating ng grasya. Maging positibo at tiyak mabilis ang positibong resulta. Kung ano ang binabalak gawin, sugod at simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 23, 37, 40, 45 at emerald green.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with