^

Kutob

Abril 13, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Dumipende sa Dios, huwag sa tao.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –  May mabubuong hinala ang minamahal o boss. Kung may tinatago, tiyakin na hindi matutuklasan dahil pagsisimulan ng hindi pagkakaunawaan o gulo. Kung hindi mag-iingat ang tinatago ay malalantad o madidiskubre. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 23, 38 at beige.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang pagkapresko ay magdudulot ng maraming sama ng loob. Baguhin ang maling ugali bago mawalan ng kaibigan. Ang inaakalang maling nagawa kung sisimulan baguhin, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 28, 34 at pink. 

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kung may alitan sa nakaraan, tamang panahon para ayusin dahil magiging magaan ang solusyon. Ang inaakalang mahirap gawin ay napakagaan gampanan. Kung positibo ang isip, positibo ang resulta ng ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 32, 40 at aquamarine.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kumalma at maging mahinahon dahil makakasagupa ng mga taong makulit o may pagkapilosopo. Iwasang mag-init ang ulo. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan at pagsisi ang aabutin. Lucky numbers at color for the day ay 3,1, 6, 22, 34 at citrine yellow. 

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag mag-alinlangan, ipakita ang kanilang inaasahan. Mapagtitibay ang harmoniya sa tahanan o pinapasukan. Maayos at walang suliranin sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 26, 41 at red. 

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ngayon sundin ang dikta ng isip at damdamin, tiyak tagumpay ang matatamo. Huwag ipagpabukas kung ano ang dapat gawin. Kilos kaagad kung may gagawin dahil malaki ang pakinabang na naghihintay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 36 at honey yellow. 

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Wala ka ngayon sa sarili dahil sa taglay na suliranin at kung magpapadala sa emosyon ay lalong lalala. Magpasalamat dahil sa tulong ng signos, madali kang makakahagilap ng solusyon kung may suliranin. Mabilis ang solusyon kung tutukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 19, 32 at white.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag mawalan ng pag-asa sa mga pagpa-follow-up dahil kung may tiyaga, may mapapala. Huwag pilitin dahil kung sadyang ukol ay talagang bubukol. Pasensiya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 25, 39, 42 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May dahilan na maging malungkutin kaya hanapin ang tamang paraan para sumigla. Malamang may mawalang bagay pero ang maliit na bagay na mawawala ay may kapalit na doble kung idadalangin na makatulong sa makakakuha. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 26, 34 at tangerine.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Kung ano ang ginawa ay siya rin ang gagawin sa iyo. Huwag magtaka kung may tao o bata na hindi mo magustuhan ang gagawin. Huwag magtaka kung makakasagupa ng masungit. Huwag magtaka kung matsismis. Panahon ng pagbabago ng masamang ugali. Lucky numbers at color for the day ay 18, 29, 34, 37 at blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Nasa gitna ka ng tungkulin at pamilya na kapwa kakailanganin. Sundin ang damdamin at tiyak doon ka nararapat at hindi ka magkakamali. Ang desisyon ay gawin kung magiging matatag at buo ang loob, tagumpay ang makakamit. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 23, 40 at violet. 

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Sa kagipitan, malaking pagkakataon na malantad ang likas na talino. May hindi inaasahang pangyayari na dapat pasalamatan. May mga pangyayari na makapagbubukas ng tamang landas sa kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 27, 41 at mint green.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with