^

Kutob

Abril 11, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pagkilala ay na­ngangailangan ng panahon. Kung magagawa mo ito sa pinakamahalagang tao sa buhay mo, bakit hindi sa Dios na may dakilang pagmamahal sa iyo?

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Maging tapat. Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 30, 42 at brown.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) –  Ihanda ang sarili sa anu­mang hamon o pag-su­bok. Positibo ang pag-iisip kaya kahit ano ang gawin, positibo ang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 25, 44 at green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Magandang balita ang matatanggap at tiyak na ma­saya. Maghanda dahil ang kasiyahan ay may maitim na ulap nang kalungkutan o hinanakit ang papa­lit. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 25, 31 at burgundy.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Manatiling kalma. Ang sobrang pagkataranta at pagmamadali ay lalong magdudulot ng pagkalito. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 26, 30 at red.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Utak ang paganahin hindi ang emosyon. Bagama’t ma­bigat ang timbang ng puso, higit na may kapangyarihan ang isip. Mahalaga sa larangan ng pag-ibig na parehas na gumagana ang isip at damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 20, 34, 41 at jade green.

VIRGO (Agosto 23 - Set­yembre 23) –  Suliranin sa pag-ibig ang magbibigay tam­lay. Kung sa kakaisip, walang saysay ang buhay, nagkakamali ka. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 24, 39 at gray.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – May kalituhan ka ngayon kaya dapat isiping mabuti kung ano ang gustong gawin. Iwasan ang magpadalus-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay neon green.   

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Himala dahil marunong kang ma­kisama at makibagay. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong da­dami ang magiging kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 35, 40 at orange.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) –  Isang tawag mula sa mi­namahal ang magpapasaya at magpapaganda ng iyong araw. Huwag mahiyang magsabi kung may taglay na suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 34, 40 at fuchsia.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang buhay ay parang gulong na minsan ay nasa ilalim at minsan ay nasa ibabaw. Kung kahirapan ang dinaranas ngayon, bukas maka­lawa ay giginhawa. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 42 at violet.  

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Anuman ang ga­gawin, tiyak maganda ang kalalabasan. Mag-ingat sa bibitiwang salita baka makasagupa ng makakaaway. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 39, 40 at yellow.   

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang akalang kay hirap gawin ay madali lang pala kapag nasimulan. Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang trabaho at makikita, magiging masaya ang bawat saglit sa paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 23, 37 at cream.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with