^

Kutob

Pebrero 28, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ano ang magagawa sa akin ng tao, gayong pinakamakapangyarihan ang Dios ko.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung mahihirapan sa pagdedesisyon, makakabuting humingi ng payo sa malapit na kaibigan kaysa pilitin ang sarili sa hindi kaya. Bigyan ng halaga ang payo ng higit na nakakaalam dahil ito ang kailangan ngayon sa paglutas ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 31, 39 at pink.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag nang lumayo ng tingin. Ang matagal ng hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang at baka hindi lang napapansin dahil hindi ito ang inaakalang lugar at inaasahang makita. Ipanatag ang kalooban dahil ang nawawala ay makikita. Lucky numbers at color for the day ay 12, 28, 37, 45 at peach.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag magsimula ng panibagong gawain kung hindi tapos ang unang ginagawa. Ihanda ang sarili sa problemang maaaring darating sa pinansiyal o relasyon. Tiyakin na nasa maayos at mabibigyan ng pansin ang mahahalagang bagay dahil maa­aring malayo o mawala ng hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 18, 23 at red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Anuman ang mangyari, nananatiling matatag at hindi basta susuko. Magiging negatibo ka ngayon kung mag-isip, na kahit maganda ay nananatiling nababahala at iniisip na may hindi magandang mangyayari. Maging positibo para iwasan ang hindi magandang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 24, 32 at purple.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Hindi masamang magsaya subalit huwag kalimutan na may mga responsibilidad na hindi dapat pabayaan. Mas nanaisin na mamasyal at magsaya kasama ang ilang kaibigan kaysa pumasok ngayon na dapat paglabanan. Bigyan ng prayoridad ang trabaho bago ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 30, 37 at yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Hindi matatapos ang problema kung hindi haharapin at hahanapan ng solusyon. Hindi sa lahat ng oras ay magagawang iwasan at hayaan lamang ang suliranin. Nasa tabi lamang ang kailangang solusyon kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 30, 40 at jade green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Makakabuting magmasid, makinig at pag-aralan ang mga pangyayari, saka magbigay ng opinyon o komento. Huwag kaagad magbigay ng reaksiyon sa mga pangyayari sa paligid na hindi alam ang puno’t dulo. Huwag gayahin ang iba sa maling gawain para mapanatili ang dignidad at respeto. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 12, 15 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ilang gawain ang matatapos nang hindi gaanong mapapagod. Kung nanaisin, maraming trabaho ang matatapos. Kailangan lamang ang disiplina sa sarili para lalong maging produktibo. Mag-ingat sa isang Capricorn. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 35, 43 neon green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Sa ayaw o gusto, kailangan nang kumilos. Oras na para balikan ang mga iniwang trabaho. Bagama’t tinatamad, matutuwa kapag nakitang unti-unting natatapos ang trabaho. Sapat na ang inilaang araw sa pagsasaya at pamamasyal, balik trabaho na. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 34, 39 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Napakalayo ng iniisip mo ngayon. Dapat magpokus sa bagay na dapat pagtuunan ng pansin at hindi kung anu-ano ang iniisip na wala namang mangyayari. Mahihirapan ka na makapag-desisyon kung sari-sari ang laman ng isipan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 21, 28 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag pilitin na magawa ang lahat ng bagay na sarili lamang ang inaasahan. Huwag sayangin ang lakas sa mga bagay na hindi dapat pag-aksayahan ng oras. Minsan, kailangan talaga ang tulong ng iba kaya huwag mahiyang humingi ng tulong kung kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 32 at avocado green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Marami ang maghahangad na sumama sa iyo para sila naman ay maging produktibo. Naniniwala ang mga kasamahan na malaki ang iyong magagawa bilang miyembro ng grupo. Mara­ramdaman ang kahalagahan ng pera o samahan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 21, 34, 40, 44 at indigo.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with