^

Kutob

(Disyembre 07, Sabado)

Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Umawit ng salmo at gawin ito nang may kagalakan sa iyong puso. Dahil ito ang tumutukoy sa awit para sa Dios. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang-halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi nagustuhan ang nasa sa iyo, hanapan ng paraan upang makamit ang gusto sa magandang paraan. Iwasan ang manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at pink. 

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag pagurin ang sarili sa pag-gawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan ng lubusan dahil magsasayang ka lang ng pagod at oras. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange. 

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutunan. Hindi man lubusan na maunawaan, mahalaga na kahit kaunti ay may nalalaman. Kung gustong magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the  day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.  

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Mahalaga ang mag­plano at isipin ang gawain nang makaiwas sa pagsasayang ng oportunidad o oras. Huwag mag-madali kung sa tingin ay may magandang oportunidad ang dara­ting. Kung alam ang tamang paraan patungo sa tagumpay, makakarating ka roon nang walang sagabal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.   

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Nasa iyo ang kata­ngian at kakayanan, kailangan lamang pag-ibayuhin. Tiyakin na may kakayahan ka na pamunuan ang lahat at maisaayos ang mga bagay. Sa kabila ng kalituhan, mapagtatantong nasa sariling kamay ang pagkontrol ng mga bagay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 42 at blue. 

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ang bulkan na sasabog. Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at maging positibo ang pananaw dahil magugulat ka na lamang kung paano ito nakatulong sa pagbago ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 30, 37 at red. 

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Bigyang pansin ang ibang bagay na maaaring makatulong sa katuparan ng pangarap. Lahat ng gawain ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Maaaring sa sobrang pokus ay may bagay kang makaligtaan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at indigo­. 

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro upang matutunan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masakit na mga salita sa tahanan. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 27, 32 at violet. 

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag labis na magpokus sa isang bagay, mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Huwag hintaying mawala nang tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green. 

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating rin sa patutunguhan. Maraming daan sa landas ng tagum­pay subalit ang nag-iisang landas na inilaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong tahakin. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Huwag ka­agad sumuko. Maging mapagtimpi sa pagharap sa pagsubok. Alalahanin na hindi lahat ng solus­yon sa problema o hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang. Kadalasan, mahihirapan muna bago makamit ang gusto. Hirap ang kapalit sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green. 

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Dahil­ sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaki­ o babae na makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ituloy dahil magtatagumpay. Malamang may manghihingi ng iyong payo tungkol sa pag-ibig  o personal na suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

vuukle comment

BAGAY

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with