^

Kutob

Kutob - Oktubre 14, 2000

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Gumamit ng pag-iingat sa paghawak ng mga matutulis na bagay. Mag-ingat sa pamimili dahil may mga nagnanais na lokohin ka. Ang anumang pagbabago sa anumang bagay ay dapat na ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 8-4-5-32 at brown.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Maging matapat sa pakikitungo sa mga tao sa iyong paligid. Mag-ingat sa anumang bagay na hahawakan ng kamay lalo na ang matutulis na bagay. Lucky numbers at color for the day ang 7-8-5-27 at magenta.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Ipakilala sa araw na ito na malinaw ang anumang hangarin at pagpapasya sa mga bagay-bagay. Iwasan ang mayamot sa iyong kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 8-9-1-37 at pumpkin yellow.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Huwag ipagmadali ang mga binabalak. Higit na mapapatibay ang relasyon ng mga may pananagutan na sa buhay. Huwag pansinin ang usap-usapan na walang halaga. Lucky numbers at color for the day ang 1-3-8-38 at turquoise.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Mag-ingat sa pagtawid sa lansangan at maging sa pagsakay. Isang katrabaho ang may lihim na pagtingin sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 8-1-9-36 at purple.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Pansamantalang iwasan ang mga kaibigan na walang buting idudulot sa iyo. Tipirin ang salaping hawak at bilhin lamang ang mga bagay na kailangang-kailangan. Huwag igiit ang gusto mo. Lucky numbers at color for the day ang 8-3-1-27 at carnation pink.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- May sapat kang kakayahan na mapaunlad ang kaisipang malikhain ngayon. Makatutulong ang mga kaibigan at kamag-anak sa mga gawain. Mahalaga ang araw ngayon sa anumang transaksyon. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-3-33 at green.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Maraming pagbabago ang magaganap. Ang mga nabimbing proyekto ay maisusulong. Magpatuloy sa iyong kaugnayan sa mga gawaing naglalayon na makalikom ng pera para sa mahihirap. Lucky numbers at color for the day ang 1-8-9-40 at magenta.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Maligaya at payapa ang ukol sa pag-ibig. Mabait ang mahal sa buhay at mapag-asikaso sa pamilya. Masaya ang buhay-pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 0-1-2-29 at crimson.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Huwag maging padalus-dalos sa iyong desisyon at pagpapasya. Iwasan ang sugal. May pagkasensitibo ka ngayon at hindi umaayon sa pakikipagniig. Lucky numbers at color for the day ang 2-6-1-11 at mint green.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Bigyang-halaga ang kalusugan. Magpahinga at tumahimik sumandali. Mag-ipon ng konting kalakasan bago ipagpatuloy ang naiwanang gawain. Angkop din ang araw sa pakikipag-ugnayan sa Diyos. Lucky numbers at color for the day ang 2-1-5-24 at rust.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Marami ang nalulugod sa iyong kabutihan at sa tulong na ibinibigay ngunit kailangan din ang matalinong pakikitungo. Mag-ingat sa mga taong maaaring umabuso sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-1-27 at yellow.

vuukle comment

BAGAY

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with