^

Kutob

Kutob - Oktubre 10

- Madam Rosa -


LIBRA
(Set. 24-Okt. 23) – Magkakaroon ka ng kawilihan sa paggawa sa loob ng bahay. Ang mga kasambahay ay matulungin at mapang-unawa. Makakasama mo ang iyong kaanak sa isang masayang paglilibang. Ang araw ay may dulot nakaligayahan para sa lahat. Lucky numbers at color for the day ang 2-3-9-29 at crimson.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) – Sa magkaibigan, ang tampuhang namamagitan ay dapat na maagapan. Mag-ingat ka sa paghakbang at maraming nagkalat na tinik sa daan. pag-ingatan mo ang kalagayan ng iyong pinansyal. Lucky numbers at color for the day ang 9-5-0-39 at gold yellow.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) – Ang romansa ay may pagkakataong maging makulay at maligaya. Ang magandang pangyayari ay darating sa iyo sa araw na ito. Ang mga kamag-anak ay may maitutulong upang maitaguyod mo ang iyong mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 4-6-3-31 at maroon.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) – Ang mapamaraang pakikutungo sa mga taong makikitid ang isipan ay makakapagbukas sa kanilang makikitid na isipan. Matutupad din ang iyong mga pinapangarap. Kaunting tiyaga lamang at magiging maayos ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 6-7-9-37 at blue.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) – Maaaring makatanggap ng handog sa pag-ibig o pag-aasawa ng pakikipag-ugnayan sa mga tao ay kapaki-pakinabang lalo na sa may kinalaman sa trabaho. Sa pamamagitan ng pag-uunawaan ang relasyon ay higit na gaganda. Lucky numbers at color for the day ang 6-9-1-11 at sun yellow.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) – Mabibilang ang araw na ito na kaligayahan sa pag-ibig. Kung may minamahal, maligayang mauunawaan niya ang iyong pinakananais sa araw na ito at kaakibat nito ang isang masayang romansa na lalalim at lalong titibay. Lucky numbers at color for the day ang 6-1-8-28 at violet.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) – Ang minamahal sa buhay ay makakaunawa at magiging matulungin sa iyong mga problema. Mapalad ka sa kanyang pag-ibig at pagmamahal dahil lagi mo siyang karamay sa hirap at ginhawa. Lucky numbers at color for the day ang 1-6-9-27 at gold.

TAURUS
(Abr. 20-May 20) – Hindi maganda ang pagdalaw sa kaibigan o kamag-anak dahil magbubunga ito ng mga usap-usapan na masakit sa tainga. Mahalaga ang mga aktibidad na pantahanan. Isang pambihirang sitwasyon ang magiging mapanghamon. Lucky numbers at color for the day ang 6-9-0-20 at purple.

GEMINI
(May 21-Hun. 21) – Mabibigyan ng solusyon ang isang problema. Taglayin ang kahinahunan sa anumang ginagawa at iniisip. Pangalagaan ang iyong kalusugan. Iwasan ang matali sa anumang pangako. Ang pananampalataya sa Dios ay magdudulot ng lubos na biyaya. Lucky numbers at color for the day ang 9-8-5-10 at neon green.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) – Hindi ka rin dapat magpahuli sa panahon. Kung ano ang tugtog ay siyang dapat sayaw upang hindi ka mapintasan ng mga kasama. Hindi magiging tiyak ang kilos ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 7-9-0 at violet.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) – Maaaring mahalal na pangulo ng isang samahan sa inyong lugar. Huwag mong ipagkait ang kakayahan mong makatulong sa mga nangangailangan. May isang lihim na nagtatangi sa iyo. Malapit lamang siya at hindi mo na kailangan pang tumingin sa malayo. Lucky numbers at color for the day ang 1-4-30-27 at aquamarine.

VIRGO
( (Ago. 23-Set. 23) – Ang relasyon sa pag-ibig ay masaya. Makulay at kasiya-siya ang pakikipagniig sa kasuyo. Magiging masaya at mabuti ang relasyong pantahanan. Mabibigyan din ng pansin ang obligasyon sa ibang tao. Ang iyong salapi ay ingatang ipagsapalaran. Maganda ang araw kaya’t iwasan ang pagtatalo. Lucky numbers at color for the day ang 9-2-1-31 at tan.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

IYONG

LUCKY

MAAARING

MABIBIGYAN

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with