^

Police Metro

NPA lider tiklo sa checkpoint

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasakote ng security forces matapos itong maharang sa checkpoint sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa ng hapon.

Ang naarestong lider ng NPA ay kinilalang si David Soriano, Regional Secretary ng West Cagayan Front at driver ng Starex van na sinasakyan nito na si Cipriano.

Batay sa ulat ng Cagayan Police, bandang alas- 5:00 ng  hapon nang masakote ang suspek sa checkpoint sa bayan ng Peñablanca.

Nang siyasatin ang van ay nakakuha ang mga ope­ratiba ng dalawang kalibre-.9mm baril na pag-aari ng PNP, isang fragmentation grenade, rifle grenade, at mga subersibong dokumento.

Nasa kostudiya na  ng  Cagayan provincial police ang dalawang suspek at  nakatakdang kasuhan ng illegal possession of firearms and explosives.

Bukod dito, may mga nakabinbing warrant of arrest din laban kay Soriano para sa iba pang kasong gaya ng murder, frustrated murder, at robbery-in-band.

Nabatid pa na si Soriano ay “primary suspect” sa pagpatay kay Gonzaga Mayor Carlito Pentecostes, na binaril sa flag-raising ceremony noong 2014.

vuukle comment

DAVID SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with