^

PSN Palaro

Pocari asinta ang ikalawang sunod na panalo laban sa Perlas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Target ng nagdedepen­sang Pocari Sweat na ma­sungkit ang ikalawang su­nod na panalo sa pakiki­pagtipan sa Perlas sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Matapos lumasap ng dalawang sunod na kabiguan ay nakabalik sa porma ang Lady Warriors nang iselyo ang 25-22, 25-14, 25-22 panalo laban sa Philippine Air Force Lady Jet Spikers noong Sabado upang makasampa sa win column.

Umaasa ang Poca­ri Sweat na maipagpapa­tu­loy ang rat­sada sa pag­ha­rap sa Per­las sa alas-4 ng hapon kasunod ang du­we­­lo ng Power Smashers at Creamline sa alas-6:30 ng gabi.

Kasalukuyang nasa ikaapat na puwesto ang Po­cari Sweat tangan ang 1-2 rekord, habang okupa­do ng Perlas ang No. 2 spot bitbit ang 2-1 kartada.

Ibabandera ng Lady Warriors si Myla Pablo, nag­pasabog ng 23 puntos sa kanilang huling laro, ka­sama sina Elaine Kasilag, Maricar Nepomuceno, Jeanette Panaga at vete­ran setter Gyzelle Sy.

Nanggaling din sa pa­nalo ang Perlas Lady Spi­kers.

vuukle comment

POCARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with