^

Police Metro

Patay na sanggol itinapon sa basurahan

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang patay na sanggol ang natagpuan sa isang basurahan sa loob ng banyo ng Yellow Bus Line Inc., Koronadal City, South Cotabato kahapon ng umaga.

Sa salaysay sa pulisya ni Miguel Alfredo, supervisor ng YBL terminal, nadiskubre umano ng kanilang utility ang bagong luwal na sanggol nang maglinis ito sa CR dakong alas-7:00 ng umaga.

Nakataob ang sanggol sa loob ng basurahan, walang saplot at may nakabarang napkin sa kanyang bibig.

Malaki ang hinala ng pulisya na sinadya ng ina na lagyan ng napkin ang bibig ng sanggol upang hindi marinig ang iyak nito hanggang sa tuluyang masawi.

Inaalam pa kung nakunan ng CCTV ang ina na nagtapon sa kanyang anak.

 

vuukle comment

MIGUEL ALFREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with