^

Punto Mo

French artist, tinaguriang ‘human hen’ matapos limliman ang 10 itlog

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATAPOS ang kanyang pananatili sa loob ng isang bato ay laman na naman ng balita ang French artist na si Abraham Poincheval matapos nitong limliman ng tatlong linggo ang 10 itlog.

Tinaguriang “human hen” si Poincheval matapos magsilbing inahin sa 10 itlog na kanyang nilimliman gamit ang init ng kanyang katawan.

Sinimulan ni Poincheval ang kanyang pinakabagong proyekto noong katapusan ng Marso.

Sinigurado niyang maiinitan ang mga itlog sa pamamagitan ng pagtatalukbong sa isang kumot habang nakaupo sa isang lalagyan na kinaroroonan ng mga itlog.

Hindi naging madali ang pagiging “inahin” ni Poincheval dahil kinailangan niyang panatalihin sa paligid ng mga itlog ang mainit na temperatura na hindi dapat bababa sa 37 degrees Celsius.

Dahil dito, kinailangang upuan ni Poincheval ang mga itlog ng halos 24 oras. Mayroon lamang siyang kalahating oras kada-araw para makakain at makapagpahinga.

Matapos ang 23 araw, nagbunga naman ang lahat ng kanyang hirap dahil 9 sa 10 itlog ay napisa na.

Nangako naman si Poincheval na hindi magiging ulam ang mga sisiw na kanyang nilimliman kaya plano niyang paalagaan ang mga ito sa kanyang ama na mayroong bukirin sa kanlurang bahagi ng France.

vuukle comment

FRENCH ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with