^

Kutob

Abril 7, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi nauubos ang paraan ng Maykapal para pagpalain ang sino mang nagtitiwala sa kanya. Sa kanyang perpektong pagkakataon, magkakapag-business ako.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ikaw at walang iba ang makakalutas ng sariling suliranin. Wala kang tulong na maaasahan kahit kanino. Sariling sikap ka ngayon, subalit nasa tamang landas ang solusyon kung magiging positibo ang isip. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 27, 38 at orange.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag mangarap ng gising. Magpakatotoo. Iwasan ang pagkamayabang dahil ang balik ay kahihiyan. Mag-ingat  dahil ang tinatago ay malamang matutuklasan. Ihanda ang magandang ikakatuwiran. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 23, 42 at garnet red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kung may duda, hingin ang opinyon ng higit na nakakaalam bago umaksiyon. Huwag gumawa ng isang bagay na hindi tiyak ang resulta o kahihinatnan. Kapahamakan ang matatamo kung magpapadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 4, 28, 32, 45 at magenta.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magiging mabilis ang pangyayari, malalaman na lang na nahuhulog na ang kalooban sa malapit na kaibigan. Huwag basta magtiwala. Walang masama at walang mawawala kung tutuklasin muna ang isang bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 32, 38 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang selos ay kakambal ng pag-ibig, subalit kung labis ang gulo, pag-usapan nang mahinahon ang problema at tiyak may magandang solusyon na makikita. Huwag patulan ang mang-aasar. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 33, 45 at green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Huwag gawin ang bagay na akala ay hindi matatanggap ng iba. Magiging kabaliktaran ang mangyayari. Ang akalang mali ay magiging tama at ang tama ay magiging mali. Kumunsulta kung hindi nakakatiyak. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 23, 40 at beige.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Taliwas sa inaasahan, magiging malungkot ang araw dahil sa kawalan nang makausap sa problemang nagpapagulo sa isip. Kung ang problema ay tungkol sa pag-ibig, huwag dibdibin, nasa landas ang tunay na pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 34, 40 at lavender.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Dahil sa pangungulit ng kaibigan, mapipilitan kang sumama sa lakaran, ngunit panghihinayangan dahil makikilala ang matagal nang hinahangad. Ngayon mapapatunayan na may kaibigan na nagmamalasakit. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 33, 41 at gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Hindi lahat nang makakausap ay madaraan sa karisma. May makakatagpo na higit pa sa sakit ng ulo ang idudulot sa iyo. Magpasensiya at magparaya upang maiwasan ang hindi kanais-nais na situwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 17, 29, 32, 43 at lilac.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maging tapat sa minamahal. Iwasan ang bawal na pag-ibig, huwag mag-flirt sa may pananagutan na sa buhay. Iwasan ang mamangka sa dalawang ilog kung gustong lumigaya. Ang ganti sa taksil ay pagtataksil din. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 33, 41 at pearl white.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag maging emosyonal kung may problema, dahil ang solusyon ay nasa tabi lamang kung pagsisikapang hanapin. Kung magiging emosyonal, hindi makakapag-isip ng tamang solusyon. Kung magiging mahinahon at kalma maraming solusyon ang mapagpipilian. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 29, 36 at electric blue.

PISCES (Pebrero. 19- Marso 20) – Iwasan ang maglasing upang maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Kung makakasagupa ng taong arugante o mainit ang ulo, pairalin ang pagkakalma at pagkamahinahon. Iwasan ang pabigla-biglang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 19, 39 at jade green.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with