^

Punto Mo

EDITORYAL - Sampolan ng LTFRB mga magtitigil-pasada

Pang-masa

DAPAT magpakita na ng pangil ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang transport group na magsasagawa ng tigil-pasada. Masyadong malambot ang LTFRB kaya naman umaabuso ang ilang transport group at nagsasagawa ng tigil-pasada. Ang ikinakasang tigil-pasada ay pasisimulan umano ng Stop and Go Coalition. Ang transport group din na ito ang nagpasimula ng tigil-pasada ng mga jeepney noong Marso 1 na nagparalisa sa maraming lugar sa Metro Manila at ilang probinsiya. Maraming commuter ang hindi nakapasok sa kanilang trabaho at school.

Wala namang ginawang hakbang ang LTFRB para kastiguhin ang mga jeepney driver na nakisimpatya sa Stop and Go Coalition. Walang nabawian ng prankisa. Pawang banta lang ang LTFRB sa mga nagtigil-pasada kaya naman umabuso na at ngayon nga ay nagbabalak na namang magsagawa ng panibagong strike. Wala pang sinasabing petsa kung kailan ilulunsad ang tigil-pasada. Pero sabi ng Stop and Go Coalition, tatlong araw ang gagawin nilang tigil-pasada.

Ayon sa lider ng transport group ang tigil-pasada ay bilang protesta sa isasagawang phase out ng mga jeepney na may edad 15 taon pataas. Kinukondena umano nila ang balak na ito ng pamahalaan sapagkat mawawalan ng pagkakakitaan ang mga maliliit na jeepney driver. Hindi rin daw makatarungan ang balak ng LTFRB na pauutangin ng P1.4 milyon ang jeepney operators para makabili ng bagong jeepney subalit solong babalikatin ng operators ang pagbabayad. Wala raw share ang gobyerno. Paano raw mababayaran ang malaking halagang iyon. Sinusulong nila na isailalim na lamang sa rehabilitasyon ang mga lumang jeepney para mapakinabangan. Huwag daw itong i-phase out.

Subalit buo na ang pasya ng pamahalaan na i-phase out ang mga lumang jeepney at iba pang sasakyan at magkaroon na ng modernisasyon. Ang mga lumang jeepney ay delikadong ibiyahe sapagkat palyado na ang preno at nagdudulot ng mga malalagim na aksidente. Ang mga lumang sasakyan din ang nagdudulot ng air pollution na dahilan nang pagkakasakit ng sakit sa puso, stroke, asthma at iba pa.

Sampolan ng LTFRB ang mga sasama sa jeepney strike para makitang may pangil din naman sila. Ipakitang mayroon silang kapangyarihan.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with