^

Metro

Light trucks, ibabawal na rin sa EDSA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Simula sa Miyer­ku­les, Marso 15 ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry-run para sa pag-ban sa mga lights truck sa kahabaan ng EDSA at Shaw Boulevard, patu­ngong Mandaluyong   at Pasig City.

Ito ay matapos apru­­bahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA ang isang resolution para i-ban o huwag padaanin ang mga light truck sa na­banggit na mga major thoroughfares para lumuwag ang daloy ng trapiko dito.

Sa pulong ng MMC na kinabilangan ng mga Metro mayors, bi­nigyan nila ng “go-signal”  ang MMDA para magsagawa ng eksperimento  o dry-run sa naturang traffic scheme simula sa Marso 15 hanggang Hunyo 15.

Nakasaad sa ina­pru­bahang MMC Re-solution, ang mga truck na may bigat na 4,500 kgs. pababa ay hindi papayagang dumaan ng EDSA at Shaw Boulevard  simula  alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga  at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ang “uniform light trucks ban” ay ipatutupad mula araw ng Lunes hanggang Sabado, hindi kasama ang Linggo at holiday.  Subalit, exemp­ted aniya sa “uniform light trucks ban” ay ang mga light trucks na nagkakarga ng peri­shable goods, subalit kailangan muna itong mag-apply ng exemption sa MMDA.

Nakasaad pa rin sa resolution,  na ang sinuman aniyang lalabag sa naturang regulasyon ay  papatawan ng multang P2,000.

Sa bago aniyang traffic scheme, sinabi ni MMDA General Tim Orbos, makakatulong aniya ito para lumuwag ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

“This is only one of the several measures that has been approved by the local executives during the meeting in an effort to further improve traffic condition in Metro Manila”, ani Orbos.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with