^

PSN Showbiz

Barbie ayaw nang marinig ang pangalan ni Kiko!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakapanibago na may isyu nang ayaw pag-usapan ni Barbie Forteza. Baka nga sa paraang naisip niya ay mati­gil na at hindi na sila parehong tanungin ni Kiko Estrada sa na­ging relasyon nila.

Sa interview kay Barbie sa taping ng Meant To Be, maa­yos at magalang itong na­kiusap na ‘wag na siyang tanungin tungkol kay Kiko and request granted. Sabagay, marami pang puwedeng pag-usa­pan about her without mentioning her ex.

Sa nangungulit kung sino ang makaka­tuluyan ni Barbie sa MTB, hindi pa rin niya alam dahil work in progress ang script.

Kasunod nito, itinanggi ni Barbie na pi­na­ka-favorite niya sa leading men niya si Ivan Dorschner dahil close siya pati kina Jak Roberto, Addy Raj at Ken Chan.

 “Si Addy, naging close kami dahil sobra siyang interested sa family ko. Curious siya sa culture natin at nakakapag-usap sila ng parents ko. Gusto niya makapag-asawa ng Filipina at gusto niya Christian wedding.

“Matagal na kaming nagkatrabaho ni Jak. Sa tingin palang, alam niyang pagod na ako. He comforts me in his own way at enough na sa akin ‘yun.

“Ken is my happy pill. Siya ang source ng energy ko. Kahit puyat at pagod, hindi siya nauubusan, ang lakas ng energy at mala­king bagay sa akin na napapasaya niya ako. Tawanan lang kami nang tawanan.

“Si Ivan, gusto niyang malaman kung ano ang gusto ng family ko. Kami ang may malalim na napag-uusapan in terms of personal things and information. Malalim siyang tao at parang laging may metaphor. May mga ginagawa siya na never pang nagawa sa akin ng kahit sino. Siya ang go person ko. Pero hindi ibig sabihin mas favo­rite ko siya kesa tatlo, pareho-pareho silang close sa akin,” safe na sabi ni Barbie.

Samantala, naging maingay ang first time na pagsusuot ni Barbie ng two-piece swimsuit sa MTB, may mga nagsasabing puwede na siyang mag-cover sa sexy magazine. Wala nga lang siyang planong magpaseksi dahil dream daw niya maging aktres at hindi sexy star.

Dagdag na kuwento ni Barbie, dapat one-piece swimsuit ang gagamitin niya sa eksena, pero mas pinili niyang gamitin ang two-pice na binili ng mom niya at magsusuot na lang siya ng shorts.

“Sabi ni dad, ‘bakit, bakit ka magsu-shorts, three weeks kang naghirap mag-diet para sa eksena.’ Kaya hindi na ako nagsuot ng shorts at buong eksenang kinunan na naka-two-piece ako, nakabantay si daddy,” sabi ni Barbie.

As of today, wala pang advise ang GMA Network, kaya 16 weeks pa rin ang airing ng hit rom-com series na magtatapos sa April.

Daiana tinututukan ng nanay

Ang mom niya ang kasa-kasama ni Daia­na Meneses kahit saan siya magpunta at sobrang thankful sa kanya si Daiana dahil iniwan nito ang buhay sa Brazil para masamahan siya rito at mabantayan. Present ang mom ni Daiana sa presscon ng The Fiercest of Them All  (FOTA), kung saan, host ang anak at natuwa sa kanya ang press people dahil hindi siya paepal at nasa sulok lang.

Nabanggit ni Daiana na naging madali sa kanyang harapin ang personal problem niya na nagtapos sa annulment ng kasal niya sa isang former politician dahil sa mom niya.

Samantala, mamayang 9pm., ang pilot ng FOTA sa GMA News TV na tatakbo ng 13 weeks.Hindi lang host si Daiana dahil kasali rin siya sa challenges na hinarap ng contenders. Sinaba­yan din niya ang pag­rampa at pagpapaseksi ng 12 contenders.

Mister ni Diana pasok na rin sa Encantadia

Kasama na rin sa cast ng Encantadia ang husband ni Diana Zubiri na si Andy Smith. Siya ang gaganap ng older Anthony na unang ginampanan ni Migo Adacer. Bagay na older Anthony si Andy dahil Iglesero rin si Migo.

‘Aliw ang post ni Diana na: “Sino ba yang Anthony na ‘yun?”

 

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with