^

Bansa

‘May araw din kayo!’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbanta si Sen. Leila de Lima sa mga taga­pagsalita ni Pangulong Duterte at Philippine National Police (PNP) na sa tamang oras ay mananagot ang mga ito kasama na ang mga pumapatay sa gitna ng nangyayaring “war on drugs”.

Sinabi ni de Lima sa isang sulat, iniinsulto ng mga spokesperson ng Pangulo at ng PNP ang isip ng mga mamamayan dahil sa patuloy nilang pagtanggi na ang mga nangyayaring patayan ay hindi kagagawan ng gobyerno.

“To the President’s  and PNP spokespersons and other presidential defenders who deny that the daily drug killings are state-sponsored and instead demand for “solid proof”, I say to you: Stop insulting our intelligence. Stop fooling our people and the rest of the world,” ani de Lima sa kanyang sulat.

Muli nitong sinabi na ang katotohanan ang unang casualty sa nangyayaring giyera laban sa droga.

Sa tamang oras ani­ya ay mananagot ang Pangulo at ang mga nagbubulag-bulagan at sumusunod sa utos nito na pumatay.

“In due time your President and those who blindly enforce his illegal orders to kill, fabricate evidence and concoct lies will be held accountable,” ani de Lima.

Nauna rito, kinontra ni de Lima ang ginawang pagbabalik sa PNP ng kampanya laban sa iligal na droga dahil tiyak aniyang mas dadami na naman ang kaso ng extra judicial killings. 

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with