^

PSN Showbiz

Sofia naudlot kay Inigo!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa controversial na kapwa niya Kapamilya young actor na si Diego Loyzaga nali-link ngayon ang 18-year-old na si Sofia Andres pero sinabi ng huli na close friends lamang umano sila ng 21-year-old son ni Teresa Loyzaga sa actor na si Cesar Montano.

Sa presscon ng upcoming horror movie ng Regal Films, ang Pwera Usog kung saan isa sa mga lead stars si Sofia along with Joseph Marco, Devon Seron, Kiko Estrada, Albie Casiño at iba pa na idinirek ni Jason Paul Laxa­mana na siya ring sumulat ng istorya, panay ang depensa ni Sofia sa kanyang “special friend” na si Diego. Sinabi rin niya na sa lahat ng pinag­daraanan ngayon ni Diego ay nariyan lamang siya para makinig at sumuporta.

Kahit marami ang naniniwala na may relas­yon sina Diego at Sofia, ini-insist ng huli na close friends lamang daw sila ng binata.

Samantala, ang buong akala ng marami ay mag-i-end-up si Sofia sa teenage son ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual. Ang dalawa ay unang nagkatrabaho sa pelikulang, Relaks, It’s Just Pag-ibig na ipinalabas noong November 2014.

Heart baby boy ang gusto

Hinihintay lamang ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na magkaroon ng break sa senado at dito nila balak magbakasyon for their much-delayed honeymoon at para makabuo na rin sila ng inaasam na first baby.

Given the choice, gusto ni Heart na maging boy ang unang baby nila pero kung magiging girl ay magiging masaya pa rin siya. 

Malalaki na rin ang twins ni Sen. Chiz sa ex-wife niyang si Tintin Flores na sina Ma. Cecilia at Joaquin and it’s about time na magkaroon na rin sila ng baby brother o baby sister.

Paul Jake at Kaye, baby na ang tinatrabaho

Although last December 9, 2016 lamang ikinasal ang mag-asawang Paul Jake Castillo at Kaye Abad, gustung-gusto na ng couple na magkaroon ng baby kaagad lalupa’t magti-35 na si Kaye sa darating na May 17.

Sa Cebu na hometown ni Paul Jake na sila naka-base ngayon pero kung may assignment sila mula sa Kapamilya Network ay kaya nilang magpabalik-balik ng Cebu at Maynila.

 

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with