^

Bansa

Voting time ng PWD lusot sa house body

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Lusot na sa House of Representatives Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang gawing mas maaga at mas maalwan ang pagboto ng mga senior citizens at mga Persons With Disabilities (PWDs) sa panahon ng halalan.

Sa naging botohan ng mga miyembro ng komite, naging unanimous ang boto sa substitute bill tungkol sa early voting ng senior citizens at PWDs.

Paliwanag ni Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna, chairman ng komite, na base sa nabuong substitute bill, idadaos ang early voting ng senior citizens at PWDs pitong araw bago ang regular na eleksyon.

Ipinauubaya din sa lokal na sangay ng Commission on Elections (Co­melec) ang pagpili ng lugar kung saan pabobotohin ang mga nakatatanda at may kapansanan.

Ayon kay Tugna, sa sandaling maisabatas ang panukala, asahan na tataas ang voting turn out ng mga nasa sector na ito.

Karaniwan nang reklamo na tuwing halalan na hirap ang mga nakatatanda pati mga PWDs na bomoto dahil marami sa mga presinto ay nasa matataas na palapag ng mga eskwelahan.

vuukle comment

PWDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with