RFID deal ng gobyerno ibinasura ng SC
MANILA, Philippines - Pinawalang bisa na ng Korte Suprema ang kontrobersyal na kasunduang pinasok ng gobyerno kaugnay ng proyektong Radio Frequency Identification (RFID) kung saan inoobliga ang mga may-ari ng sasakyan na magkabit ng electronic identification tag. Ang kasunduan ay nilagdaan noong 2009 sa pagitan ng Department of Transportation and Communication, Land Transportation Office at pribadong contractor na Stradcom Corporation kung saan nakasaad na kailangan ang dagdag na P350 para sa RFID ng bawat sasakyan. Iniutos din ng Korte Suprema ang refund o soli-bayad sa nakolektang RFID fee bago ito pinigil ng Korte Suprema nuong January 12, 2010 sa bisa ng Status Quo Ante Order. Ayon sa Korte Suprema, dapat na dumaan sa public bidding ang RFID Project alinsunod sa itinatakda ng Section 5 ng Built, Operate and Transfer o BOT Law. Hindi rin umano pasok ang proyekto sa itinakdang exception sa public bidding sa ilalim ng Republic Act 6957 at Republic Act 7718.
- Latest