^

Bansa

Isang libong pisong dagdag sa SSS pension aprub ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagpalabas na kahapon ang Malacanang ng memorandum para sa inaprubahang P1,000 na pension hike ng Social Security System pensioner na retroactive mula Enero 2017, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

“Sa representasyong ginawa ng SSS at alinsunod sa umiiral na mga batas, patakaran at regulasyon, ipinababatid na aprubado na at epektibo mula Enero 2017 ang dagdag sa benepisyo ng kuwalipikadong SSS retirees, survivor at permanently disabled pensioner,” wika ni Medialdea sa awtoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 Magugunita na ina­prubahan ni Pangulong Duterte ang pagkakaloob ng P1,000 na pension hike sa mga SSS pensioners noong Enero sa kabila ng pagsalungat dito ng kanyang mga economic advisers.

Ang orihinal na panukala sa Kamara ay P2,000 increase sa pension ng mga SSSS retirees subalit tinutulan ito ng SSS board gayundin ng economic advisers ni Pangulong Duterte hanggang sa magdesisyon ang chief executive na aprubahan nito ang P1,000 pension hike.

Para naman kay SSS chairman Amado Valdez, ang karagdagang panibagong P1,000 increase sa SSS pension ay inaasahan sa 2022 o mas maaga pa rito.

 Ipinaliwanag pa ni Medialdea na retroactive mula Enero 2017 ang pension hike sa SSS retirees gaya ng pangako ni Pangulong Duterte.

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with