^

Bansa

Transgender congressman papasok sa AFP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Papasok ang kauna-unahang transgender na mambabatas na si Bataan Rep. Geraldine Roman sa Armed Forces of the Philippines  (AFP).

Ayon kay Roman, mag-a-apply siya para maging bahagi ng reserve force ng AFP dahil nais niyang maging kauna-unahan rin na transgender military officer sa bansa.

Umaasa naman ang kongresista na kapag tinanggap na siya sa reserve force ng AFP ay magsusuot siya ng pangbabaeng military uniform at pangbabae din ang kanyang haircut bilang isang transgender woman.

Ito ay gagawin ni Roman bilang appreciations sa polisiya ng AFP na tatanggap ito ng mga aplikante mula sa Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender o LGBT sector.

Subalit may kondisyon ang AFP na dapat mag-behave sila at ipasa ang lahat ng eksaminasyon dito.

Samantala, suportado naman ng transgender congresswoman ang isinusulong ng Duterte administration na ibalik ang ROTC para buhayin ang patriotism o pagiging Makabayan ng mga Pinoy.

Bilang pagpapakita din ng suporta sa Pangulo na siyang commander-in-chief, hinikayat din nito ang mga kabataan na sumali at i-promote ang ROTC dahil isa itong paghahanda sa kanila para depensa rin ng bansa, gayundin sa  pag-rescue ’pag may dumating na kalamidad tulad ng lindol at bagyo.

Ang hakbang ni Roman ay dahil sa pahayag ni AFP Public Affairs Chief Edgar Arevalo na mayroong 10,000 na kakulangan ng sundalo ang military kaya binuksan ang application sa mga miyembro ng LGBT.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with