^

PSN Showbiz

Maxine kailangan na ng tulong!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang pag-asa ni Maxine Medina na kung hindi man niya maulit ang tagumpay ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe pageant na magaganap sa bansa sa Enero 30, 8NU ay mabigyan naman niya ng parehas kundi mas malakas na laban ang mahigit sa 80 kandidata.

May ilang pagbabago sa Miss U tulad ng pagkakaron ng online voting na magsisimula ngayong araw. Makakatulong tayo ng malaki sa ating kandidata kung magsisimula na tayong bumoto online para sa kanya. Hindi ko rin alam kung magkakaron ng epekto kay Bb. Pilipinas Universe ang pagbabagong ginawa ng mga nasa likod ng Miss U na ang Top 6 ang pasasagutin sa Q&A segment at hindi na sa Top 3. Itutuloy ba niya ang suhestyon na gumamit ng interpreter na marami ang tumututol o kakayanin niya ang sumagot sa tanong sa kanya ng buo ang tiwala sa kanyang sariling kakayahan? Anuman ang mapagpasyahan niya, ang lahat ng Pilipino ay nasa likod niya.

Dayanara babalikan ang ASAP

Sana si Dayanara Torres ang sinasabi ni Luis Manzano na magiging sorpresa ng programang ASAP sa mga susunod na araw. Darating ang ilang ex-Miss Universe para mag-participate sa Miss U pa­geant. Ang Puerto Rican ay naging malapit sa puso ng mga Pilipino dahil matagal itong naging host ng ASAP, kasama na rin ang isang dance program sa TV5.

Gumawa rin siya ng ilang pelikula kapareha sina Aga Muhlach at Gary Valenciano. Naging romantic item din sila ni Aga pero nauwi rin sa hiwalayan. Napangasawa ni Dayanara ang isang sikat ding manganganta. Hiwalay na sila at meron silang anak.

Samantala, si Charlene Gonzales naman ang naging Bb. Pilipinas Universe at naging kinatawan ng bansa sa huling pagsasagawa rito ng Miss Universe na pinanalunan ni Miss India na si Sushmita Sen.

Coney nakikitang hindi pera ang habol nina Zanjoe at Bela

Ang ganda-ganda ni Coney Reyes nang napanood ko sa ASAP para sa promosyon ng My Dear Heart. Kahit ang limang taong gulang na si Nayomi Ramos ang may hawak ng titulo at anak sa serye nina Zanjoe Marudo at Bela Padilla, ang character ni Coney na Dra. Margaret Divinagracia ang maglalagay ng mga kumplikasyon sa istorya at magsisilbing kontrabida sa buhay ng mag-anak. Okay lamang sa senior actress ang gumanap ng kontrabida, sa ganitong role siya palaging naa-assign basta bago magtapos ang kuwento ay magkakaroon ng change of heart ang role niya.

Sa kabila ng pagiging mas senior niya sa co-stars, masaya si Coney dahil naramdaman niya ang kagustuhan nila na mapagbuti ang trabaho nila. May mga nakasama na kasi siya na nakita niyang hindi seryoso sa kanilang mga trahabo at pera lamang at kasikatan ang habol.

Imelda Papin maraming gustong gawin sa Actor’s Guild

Akalain mo, ang Sentimental Songstress na si Imelda Papin pala ang na­hirang na mamuno ng Actor’s Guild. Knowing the Jukebox Queen, alam kong marami siyang magagawa para sa ka­pakanan ng grupo ng mga artista na hindi magagawa ng maraming malala­king artista na walang panahon sa ganitong bagay o kaya ay lubhang abala para makasama sa mga grupo ng mga kapwa nila artista.

Si Rez Cortez na dating naging pangulo ng organisasyon bago si Imelda ang mamumuno ng membership committee. Hindi man aktibo ngayon si Imelda sa paggawa ng pelikula, malaki ang maasa­han sa kanya ng mga miyembro niya sa Actors Guild.

Regine atat makapagsuot ng costume sa telefantasya!

Sabi nga ni Michael V, seryoso na at hindi joke na sasabak ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa isang hindi nakasanayan ng manonood na ginagawa niyang romantic comedy. Susunod kasi siyang mapapanood sa isang sequel ng fantasy adventure o mas kilala sa tawag na telefantasya na Mulawin vs. Ravena. Itinampok dito sina Richard Gutierrrez at Angel Locsin na napanood noong 2005.

First time ni Regine na sasabak sa ganitong genre at isang diyosa ang magiging role niya, ang diyo­sa ng kalikasan. Nagiging ibon siya at may ka­­­pang­yarihan ang boses niya. Ibig sabihin ba ay na­kakakanta siya na parang Ibong Adarna? ‘Yun ang dini-develop pa ng creative team ng Kapuso Network. Pero ang cast ay halos buo na. Bukod sa bibida ring si Dennis Trillo, makakasama ni Regine ang dalawa sa pinakamalakas na loveteams ng GMA, sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at Derrick Monasterio at Bea Binene.

vuukle comment

MAXINE MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with