^

PSN Showbiz

Juday tuloy na kay Richard Yap?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nagbunga na ang ginawang paglalagay sa kondisyon na ginawa ni Judy Ann Santos sa kanyang pangangatawan na nakita ng lahat sa Kusina movie na ginawa niya after giving birth to her youngest daughter Luna. Maaari na rin niyang iwan ang bunso niya sa kung sino mang mapagkakatiwalaan para balikan ang trabahong matagal din niyang hindi naharap. Nakipag-meeting na siya sa mga bossing ng ABS-CBN at anumang oras mula ngayon ay makapagtatrabaho na siya. At sino ang makapagsasabi, baka mauna niyang gawin ang isang proyekto kasama si Richard Yap na hindi natuloy nung nabuntis siya.

Xia wanted kay Ellen Degeneres

Ang isa sa dalawang batang bida ng pang-umagang serye ng ABS-CBN na Langit Lupa ang gustong makita’t makapanayam ni Ellen Degeneres sa kanyang popular na programa sa telebisyon. Nag-tren­ding si Xia Vigor nang gayahin nito si Taylor Swift sa Your Face Sounds Familiar Kids na bagaman at hindi siya nanalo ay kinatuwaan ang maganda niyang impersonation ng kilalang singer.

Ang mga papuri kay Xia ay magbibigay ng mala­king boost sa kanyang serye at sa kanyang pag-aartista.

Sunshine walang effort sa mga hugot

Ang galing-galing ni Sunshine Dizon sa Ika-6 Na Utos. Natural ang kanyang mga reaksyon na marahil ay humuhugot sa anumang damdamin meron siya sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa at ang pagkakatuklas ng pagtataksil nito sa kanya. Hindi lamang tiyak kung matutulad sa kanyang asawa sa tunay na buhay ang kahihinatnan ng character ni Gabby Concepcion sa serye.

Sa ngayon ay masaya na si Sunshine sa ginawa niyang pag-urong ng mga kaso laban sa asawa.

Aiza at Tito Sen mas dapat magtulungan kaysa magkontrahan

Sa halip na mag-away pa dahil sa magkaiba nilang paniniwala tungkol sa pagpigil ng maagang pagbubuntis ng mga kabataang babae ay magsanib na lamang ng pwersa sina Sen. Tito Sotto at National Youth Commission Chairman Aiza Seguerra para mapigil ang mabilis na paglobo ng populasyon sa bansa.

Tama ‘yung pagtuturo ng sex education sa eskwelahan. Bagaman at kontra ako sa pagbibigay ng condom sa mga kabataan bilang solusyon sa problema, pag-usapan na lamang nila at isipan pa ng mga paraan kung paano sila maka­tutulong sa lumalaking problema na ito ng bansa.

Huwag na silang mag-away pa at pairalin ang pride dahil wala itong kapupuntahan. Pareho lang nilang gustong makatulong.

Maja nai-in love na kay Paulo!

Mukha nga namang hindi matatapos ang pagli-link kina Maja Salvador at Paulo Avelino hangga’t hindi naipalalabas ang pelikula nilang I’m Drunk, I Love You. Pero bukod sa pagsasama nila sa nasabing movie ay madalas din silang mag-hangout na magkasama. Hindi naman ito itinatanggi ng aktres na umaming pinakapaborito niyang leading man si Paulo, ito ay sa kabila ng pangyayaring ang dami-dami na niyang nakapareha. Dahil ba sila ang itinakda para sa isa’t isa?

Cherie Gil kabado sa tuluyang pagbagsak

Naintriga ako sa caption ng mahusay na aktres na si Ms. Cherie Gil sa kanyang Instagram photos. Sabi kasi nito na, “And His feet touches the ground while he holds me safe and loved.” Pero nang makita kung sino ang ‘he’ na tinutukoy ng Alyas Robin Hood star, ito pala ay ang kanyang guwapong anak na si Raphael na umuwi kamakailan from New York.

Intriguing din ang mga susunod na eksena ng ARH dahil si Maggie (Cherie Gil), kabadong-kabado na sa kanyang tuluyang pagbagsak.

Magawan pa kaya niya at ng kanyang anak na si Dean (Sid Lucero) na makabawi muli? At walang patid ang hatid na kilig ng mga susunod na episodes dahil finally, umamin na si Pepe (Dingdong Dantes) sa kanyang tunay na nararamdaman kay Venus (Andrea Torres).

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with