^

Pang Movies

Camille ramdam na ang ‘ikalawang glorya’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natatandaan naming kasabihan ng mga matatanda noong araw, walang ikalawang glorya. Ibig nilang sabihin, ang isang babaeng nabiyuda na ay hindi na dapat pang mag-asawa, pero iyan ay matandang paniniwala na.

Sa panahong ito, maraming mga babaeng nag-aasa pang muli pagkatapos na mamatay ang kanilang asawa. After all walang sagabal na legal o moral sa muling pagpapakasal, kung patay na nga ang asawa. Mayroon nga nagpapa-annul ng kasal kung talagang hindi na magkasundo at nag-aasawang muli.

Nabanggit lang naman namin ito dahil sa mukhang nakakita ng “ikalawang glorya” si Camille Prats. Ikinasal siya noong isang araw kay VJ Yambao na noon pa naman nabalitang nanliligaw sa kanya. Nauna rito, nagpakasal noon si Camille kay Anthony Linsangan sa isang kasal na sibil sa US noong 2008. Noong 2010, nagpakasal silang muli sa Sanctuario de San Antonio, pero makalipas lamang ang mahigit na isang taon, pumanaw naman ang kanyang asawa. Naiwan sa kanya ang isang anak na lalaki na walong taong gulang na ngayon.

Siguro hindi lang naman ang sarili niyang kaligayahan ang inisip ni Camille nang muli siyang mag-asawa. Siguro nga iniisip din naman niya ang kapakanan ng kanyang anak. Hindi naman maikakaila na kailangan din ng isang bata, lalo’t ganyang nasa formative stage pa na may tinitingalang isang ama.

Palagay namin iyon ay isang bagay na binigyan naman ng katiyakan ni Camille, dahil sinasabi nga niyang ang pina?amalaking factor sa kanyang muling pagpapakasal ay ang pagkakasundo ng kanilang asawa at ng kanyang anak.

Mabait na bata naman iyang si Camille, at sinasabi nga nila, she deserves to be happy.

pagkamatay ni Kuya Germs ‘di nakalimutan

Kahapon, ang mga kaanak, kaibigan at kakilala ni Kuya Germs ay dumayo sa kanyang puntod sa Marikina para magdasal at alalahanin ang isang taon matapos ang kanyang pagyao. Ang bilis ng panahon ano? Isipin ninyong nakaisang taon na palang wala si Kuya Germs.

Kung napapanood namin ang ilang TV shows na alam na alam mo namang ang ginagawa ay ang mga dating ideya ng Master Showman, sino nga ba ang makapagsasabing talagang wala na siya sa show business?

Kung makikita mo iyong Walk of Fame, at kung maglalakad ka sa paligid ng GMA Network kung saan may mga tiles din na may pangalan ng lahat ng kanilang stars, masasabi mo nga bang wala na si Kuya Germs?

Siguro nga wala na si Kuya Germs physically, pero nananatili ang kanyang ala-ala at ang lahat ng kanyang mga ginawa para sa showbiz industry. Si Kuya Germs ay dating kasama rin namin dito sa Pilipino Star NGAYON at sa PM. At maniwala kayo sa amin, lahat ng laman ng aming column noon ay galing sa kanya.

Mga dating namamanata sa nazareno, kapiling na ni Lord

Pista ng Nazareno sa Quiapo ngayon. Mami-miss na naman namin ang mara?ing mga artistang kaibigan namin na nakikita naming namamanata rin sa prusisyon sa Quiapo. Ngayon, hindi na sila namamanata kundi kapiling na nila ang Diyos sa langit.

 

vuukle comment

CAMILLE PRATS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with