^

Punto Mo

Tips mula kay Warren Buffett

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Tungkol sa Kinikita:

Huwag umasa sa iisang source of income. Mag-ipon upang magkaroon ng puhunan sa ikalawang pagkakakitaan.

Tungkol sa Paggasta:

Kung bili ka nang bili ng mga bagay na hindi mo masyadong kailangan, darating ang araw na ipagbibili mo naman ang mga bagay na mahalaga sa iyo.

Tungkol sa Pag-iipon:

Kadalasan, ang inilalagay natin sa ating savings ay ‘yung natira pagkatapos gumasta.  Mas mainam pala ay unahin ang paglalagay ng pera sa bangko. At kung magkano lang ang matira ay iyon lang ang gagastusin.

Kung Makikipagsapalaran sa Negosyo:

Isang paa lang ang iyong gagamitin sa pagtesting kung gaano kalalim ang ilog. Delikado kung dalawang paa, tuluy-tuloy kang lulubog kung malalim pala ito. Ang negosyo ay parang sugal. Kailangan mo rin tumaya para manalo. Pero sa pagtaya mo, hinay-hinay lang. Huwag mong itotodo ang iyong pera kung hindi ka sigurado sa isang papasukang negosyo.

Expectation mo sa mga taong nasa paligid mo:

Ang katapatan ay isang napakamahal na regalo. Huwag mo itong asahan sa mga “cheap” o may mababang uri ng pagkatao.

* Si Warren Buffett ay isang Amerikanong negosyante at nasa top 3  sa listahan ng mga bilyonaryo sa buong mundo noong 2016.

vuukle comment

KINIKITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with