^

Police Metro

Ipinagtanggol ang alagang aso... Hungarian tinodas ng seaman

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 37-anyos na Hungarian national nang ito ay pagbabarilin ng kapitbahay na seaman na sinita nito sa pagpapaputok sa kanilang gate na ikinaiirita ng alaga niyang aso naganap noong pagsalubong sa Bagong Taon sa Pavia, Iloilo.

Ang nasawi ay kinilalang si Melczer Da’niel, may-ari ng isang grill restaurant sa Iloilo City. Nagtamo ito ng mga  tama ng bala  sa noo, kanang teynga, kanang braso  at kanang tuhod.

Arestado naman ang suspek na si Lucindo Lim, 42, seaman, at nakumpiska ang baril na ginamit sa krimen.

Batay sa ulat, dakong ala-1:10 ng madaling araw sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon sa bisinidad ng Avida Village, Brgy. Balabag ay gumamit nang malalakas na uri ng paputok si Lim na sinindihan nito sa harapan ng gate ng biktima.

 Dahilan sa awa sa mga alagang aso na natra-trauma sa takot sa mga paputok ay lumabas ng gate ang biktima at sinita ang suspek bunsod upang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang huli at pinagbabaril ang huli.

Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

HUNGARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with