^

Police Metro

3 trike driver todas sa pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong tricycle driver ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente nang pamamaril ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joselito San Juan, 40, ng 108 Marvix Drive Dulo, Brgy. Balingasa; Ruzzel Brito, 23, ng 74 Judge Juan Luna St., Brgy. Bungad; at Jarson Amoroso, alyas Buboy, 30, ng Road 1, corner Road B, Project 7.

Batay sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi nang pagbabarilin ng mga suspek sa loob ng kanilang tricycle sina Brito at Amoroso sa Ilaw St., Barangay Paltok.

Ang ikalawang insidente ay naganap dakong ala-1:00 ng madaling araw nang pagbabarilin ng tatlong nakasuot na bonnet na lalaki ang biktimang si San Juan sa loob ng kanyang bahay.

Ayon sa misis ng biktima na si Luz San Juan, natutulog na sila nang marinig ang puwersahang pagbukas ng pinto ng kanilang bahay at nang silipin ay nakita niya ang dalawang lalaki sa labas.

Tinawag pa ng mga suspek ang pangalan ng bikima at isa sa mga una ang pumanhik at pinagbabaril ang biktima at saka nagsipagtakas, sakay ng tig-isang motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

PAMAMARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with