^

PSN Showbiz

Kapamilya stars nasa cellphone na rin!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lang sa TV at internet makikita ang Kapamilya stars at shows dahil handog na ng ABS-CBN sa fans ang pagkakataong ma-meet at makausap ang kanilang paboritong artista at makapanood ng live Kapamilya shows gamit lamang ang kanilang mobile phones.

Sa pamamagitan ng ABS-CBNmobile, madali nalang makapasok sa mundo ng Kapamilya network dahil sa Kapamilya VIP (KVIP), kung saan mas pinadali ang pag-register para makapanood ng live shows, concerts, maka-attend ng red carpet premieres, at makita ang Kapamilya stars.

Makakapili ang users ng iba’t ibang ABS-CBN shows na bahagi ng KVIP tulad ng ASAP, It’s Showtime, Pinoy Big Brother, Magandang Buhay, Tonight with Boy Abunda, ASAP Chill Out, Pinoy Boyband Superstar, Gandang Gabi Vice, Banana Sundae, at MOR.

Ayon kina Elmo Magalona at Janella Salvador na nagkaroon ng KVIP Elnella Day, mas napadali rin ang pagkakataon nila bilang artista na makilala ang kanilang fans.

“Ang saya ng experience dahil makikita mo talaga na gusto nila makapanood ng show at ma-meet ang artista,” ani Janella.

Para naman kay Elmo, naging kakaibang experience ang KVIP. Ayon sa kanya, “different experience ito dahil parang once in a lifetime opportunity na nga para sa amin na magkaroon ng meet and greet with our fans.”

Bukod sa KVIP, mapapanood din ang ilang box-office na pelikula na may kasama pang catch-up viewing ng hit Kapamilya shows sa Kapamilya Box Office (KBO), kung saan bida ang pinakabagong local films. Accessible ang panonood ng KBO sa ABS-CBNmobile users sa website nito (www.abscbnmobile.com/kbo).

Marami ring mapagpipilian na promos ang ABS-CBNmobile users na may kasama pang internet access sa Facebook, Twitter, at Viber para tuloy-tuloy ang usapan online tungkol sa Kapamilya shows na kanilang pinapanood.

Samantala simula ngayong December 1, mabilis na mobile internet ang maagang pamasko ng ABS-CBNmobile sa nalalapit nitong paglunsad ng 4G at LTE SIMs sa ilang SM stores. LTE ang pinakamabilis na wireless data service.

vuukle comment

KAPAMILYA VIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with