^

PSN Showbiz

Coco nagsalita na sa impluwensiya sa buhay ni? Julia

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Coco nagsalita na sa impluwensiya sa buhay ni? Julia
Julia at Coco

PIK: Itinatanggi ni Coco Martin na may kinalaman siya sa desisyon ni Julia Montes na pag-alis ng Star Magic at hindi na nag-renew ng kontrata. Naging usap-usapan ang pagpapa-handle ni Julia sa Cornerstone at malaki raw ang impluwensya rito ni Coco dahil pinipigilan ng Star Magic ilabas sa publiko ang kanilang relasyon.

Sabi naman ni Coco, hindi raw siya manager ni Julia kaya wala siyang kinalaman sa kung ano ang magiging desisyon ng young actress sa kanyang career.

PAK: Walang masagot si Jessy Mendiola kung siya ba ang tinutukoy ni JM de Guzman na pinapasa­lamatan sa kanyang Instagram account. Ang duda ng karamihan ay para kay Jessy ang mensaheng gustong nitong iparating.

Umiiling si Jessy nang matanong ito sa presscon ng Mano Po 7: Chinoy na magsu-showing na sa December 14.

Nakarating na rin naman daw sa kanya na maga­ling na ang aktor, kaya masaya siya para rito. “I’m happy for him. ‘Yun naman ang lagi kong wish sa kanya eh,” pakli nito.

BOOM: Feeling winner na rin si Jodi Sta. Maria nang rumampa sa red carpet ng International Emmy Awards 2016 na ginanap sa Hilton New York Hotel nu’ng kamakalawa ng gabi.

Nominado si Jodi sa kategoryang Best Performance by an Actress mula sa teleserye niyang Pangako Sa ‘Yo. Pero napanalunan ito ni Christiane Paul ng Germany.

Nagpapasalamat na rin si Jodi sa lahat na tumulong, nag-cheer, at nagdasal para sa kanya.

Sabi ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account, “Attending and being nominated at the 44th International Emmy Awards is a memorable experience. Making new friends, sharing a glimpse of the Filipino hospitality to my fellow nominees, proudly speaking about the beauty of the Philippines and representing the country to 15 nations made it more meaningful and special. I believe we are ready for the global scene.”

Samantala, hindi rin nagwagi ang teleser­yeng Bridges of Love na nominado sa naturang international award-giving body.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with