^

PSN Showbiz

Munting bayani pararangalan ng Mission Possible

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang munting bayani ang pararangalan ng Mission Possible ngayong Lunes (November 21) sa kanilang Paskong Parangal. Makakasama ni Julius Babao si Dwayne, isang boy scout na kinalimutan ang takot sa tubig upang maisalba ang kaibigan mula sa pagkalunod. Takot luma­ngoy si Dwayne lalo na kapag hindi kasama ang kanyang ina ngunit nang muntikang malunod ang kanyang kaibigan na si Jasper, hindi siya nag-atu­biling tumalon at buong tapang na lumusong upang sagipin ang kanyang kaibigan. Dahil sa pang­yayaring iyon, nalabanan rin ni Dwayne ang kan­yang takot sa tubig, ngunit may panibagong pagsubok siyang hinaharap ngayon matapos ma-stroke ang kanyang ina.

Paano kaya matutulungan ni Julius ngayong Pasko ang pamilya ng a­ting munting bayani? Kilalanin si Dwayne, ang bagong Paskong Parangal awardee sa Mission Possible ngayong Lunes (November 21) sa ganap na 9:30 p.m. sa DZMM Teleradyo sa SKYCable ch. 26 at ABS-CBN TVplus, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SKYCable ch 167).

Maaari ring mapanood ang episode sa iwantv.com.ph oskyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers.

vuukle comment

MISSION POSSIBLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with