^

PSN Showbiz

Bossing Vic wanted!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Type ng mga reporter na mainterbyu si Vic Sotto dahil gusto nila na makuha ang reaksyon ng Box Office King tungkol sa pagkakaitsapwera sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ng kanyang pelikula.

Hindi ako magtataka kung magpahayag ng disappointment si Bossing dahil kung nadismaya ang kanyang fans at supporters, siya pa kaya? Hindi kumpleto ang MMFF kapag walang official entry si Bossing na gumagawa ng pelikula para mapaligaya ang kanyang mga taga-hanga, lalo na ang mga bagets na looking forward sa opening day ng MMFF tuwing araw ng Pasko.

Paolo Ballesteros mag-aala-Reyna Elena sa Parade of Stars

Reynang-reyna si Paolo Ballesteros sa Parade of Stars ng MMFF 2016 dahil paghahandaan niya ang pagrampa tulad ng kanyang ginawa sa red carpet ng Tokyo International Film Festival.

I’m sure, in character si Paolo sa Parade of Stars dahil iba’t-iba nga ang mukha niya sa kanyang mga eksena sa Die Beautiful na official entry sa MMFF 2016.

Ang Regal Entertainment, Inc. ang magre-release sa mga sinehan ng Die Beautiful at kahit hindi pumasok sa MMFF ang Mano Po 7, magiging busy pa rin si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle sa promo at publicity ng Die Beautiful.

Nang magpatawag noon ng presscon si Mother para sa success ng Die Beautiful sa Tokyo International Film Festival, ang mapili na official entry sa MMFF 2016 ang pelikula ng direktor na si Jun Lana ang isa sa mga hiling niya at natupad ito noong Biyernes.

Dumalo sa announcement ng MMFF official entries sa Club Filipino ang Die Beautiful producer na si Perci Intalan na tuwang-tuwa nang marinig niya na pinili ng Selection Committee ang award-winning movie nila ni Jun.

Resulta sa takilya ng pelikula nakasalalay kay Julia

Kung nalungkot ang mga artista na hindi kasali sa MMFF 2016 ang kanilang mga pelikula, masayang-masaya naman sina Rhian Ramos at Julia Barretto.

Si Rhian ang lead actress ng Saving Sally at tuwang-tuwa siya dahil official entry ang pelikula niya na pambata.

Mga young adult naman ang target audience ng Vince & Kath & James na pinagbibidahan ni Julia at ng dalawang aktor na baguhan.

Si Julia pa lang ang may name sa cast ng Vince & Kath & James kaya nakasalalay sa kanya ang magiging resulta sa box office ng pelikula niya. Ang Star Cinema ang producer ng Vince & Kath & James kaya lucky girl ang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla dahil tiyak na suportado ng ABS-CBN ang promo at publicity ng kanyang pelikula.

Direktor aapela sa pagkalaglag sa festival

Member si Congressman Alfred Vargas ng executive committee ng MMFF 2016 pero hindi siya nakadalo sa announcement ng official entries.

Kung umapir si Alfred, siguradong tatanungin siya ng mga miyembro ng media tungkol sa kanyang reaksyon sa walong pelikula na pinili ng Selection Committee.

May nagkuwento sa akin na iba’t-iba ang reaksyon ng mga dumalo sa announcement dahil kung may mga natuwa, marami ang nalungkot dahil sa malaking pagbabago na mangyayari sa film festival sa susunod na buwan.

Nagbitaw ng salita ang isang direktor na aapela siya sa MMFF Execom dahil nalaglag ang kanyang pelikula na very timely daw ang kuwento. Abangan natin ang mga susunod na kabanata tungkol sa apela na gagawin ng direktor na hindi happy sa choices ng Selection Committee.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with