^

Bansa

NBI sinimulan na ang sariling imbestigasyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) spokeperson Ferdinand Lavin na  magpapadala na sila ng mga eksperto para sa parallel investigation sa sinasabing pagsisilbi ng search warrant sa loob ng Baybay City Provincial Jail noong  Sabado dahilan upang mapatay si Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Magmumula sa NBI Headquarters sa Maynila ang mga tauhan ng NBI na tututok sa imbestigasyon subalit nilinaw na mangunguna rito ang acting director ng NBI-Eastern Visayas na si Gerry Abierra.

Partikular na ipadadala sa  Eastern Visayas na tutulong sa pagsisiyasat ang mga tauhan ng NBI Forensic and Investigation Division.

Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon para mabigyang linaw ang pagkamatay ni Espinosa na binaril sa loob ng kanyang selda noong  madaling araw  ng Nobyembre 5  at maiwasan ang pagdududa na may ‘whitewash’ sa kaso.

Ilang grupo at opisyal ng gobyerno na ang nagpahayag ng pagdududa sa mga naiulat na pangyayari sa loob ng selda kung bakit napatay si Espinosa.

Kabilang dito si Senator Panfilo Lacson na isang dating Philippine National Police (PNP) chief  na hindi kumbinsido sa bersyon ng  kapulisan hinggil sa  sinasabing nagsilbi ng search warrant sa loob ng selda ang PNP-CIDG-8 na itinaon ng madaling araw at sorpresa umano upang hindi masunog ang pagrikisa.

Iginiit pa ng senador na hindi naman kailangan pa ng search warrant dahil pasilidad naman ng gobyerno ang kanilang papasukin.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with