^

Bansa

P2M multa, 5 yrs. Kulong sa lalabag sa GHW Law

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
P2M multa, 5 yrs. Kulong sa lalabag sa GHW Law
Ipinakita ng Department of Health ang samples ng Graphic Health Warning sa mga kaha ng sigarilyo sa ginanap na paglulunsad ng GHW Law kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines - Sinimulan na kahapon ng Department of Health (DOH) ang paghihigpit sa implementasyon ng Graphic Health Warning (GHW) Law.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, maaring mapatawan ng hanggang P2 milyon multa at pagkabilanggo ng limang taon at pagkansela sa business permit ang sinumang manufacturers at importers na lalabag sa GHW Law habang P100,000 naman ang  multa sa mga retailers.

Sinabi ni Ubial, dapat ang lahat ng produktong tobacco ay may nakatatak na GHW na nagpapakita ng masamang epekto sa katawan ng paninigarilyo at dapat sakop nito ang 50% ng kabuuang display sa harap at likuran ng ‘kaha’ ng sigarilyo.

Kabilang na sa GHW ang pagkakaroon ng throat cancer, stroke, emphysema, impotence, hand/foot gangrene at mababang timbang at wala sa hustong buwan nang panganganak ng babae kung saan ang warning ay isusulat sa Tagalog sa harapang bahagi ng kaha at Ingles naman sa likurang bahagi.

Umapela rin si Ubial sa mga retailers na iwasan ang magbenta ng kada piraso ng sigarilyo.

Inaasahan din na dahil sa istriktong implementasyon ng batas maraming Filipino ang magdadalawang isip nang manigarilyo o ‘di kaya ay mas pipiliin nila na huminto na sa paninigarilyo.

Nauna nang niratipikahan ang GHW Law noong Hulyo 2014, pero ngayon lamang nagkaroon ng istriktong implementasyon ang DOH.

vuukle comment

GRAPHIC HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with