^

Probinsiya

Bus vs bike: 1 patay, 2 kritikal

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 18- anyos na lalaki habang kritikal naman ang dalawang iba pa makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa pampasaherong bus na papalabas ng pantalan sa panulukan ng Barangay Camcaman at Barangay Caloocan sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Kinilala ang namatay na si Angelo Madrid habang isinasalba naman ang buhay sa Sorsogon Provincial Hospital sina Danica Verano, 18; at Julius Verano, 17, driver ng motorsiklo, mga nakatira sa Barangay Hidhid sa nasabing bayan. Sa ulat ni Senior Supt.Ronaldo Cabral, provincial director ng Sorsogon PNP Provincial Office, dakong alas-11:30 ng gabi papasok sana sa Matnog Port ang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima nang makasalubong ang CUL Transport Bus (EVT228) na patungong Metro Manila. Nakatakda naman kasuhan ang driver ng bus na si Domingo P. Beriso, 58, ng Barangay Lubas sa Caramoan, Camarines Sur.

 

vuukle comment

KRITIKAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with