^

PSN Showbiz

Natakot matiyempuhan Nanay ng isang aktres pahinga sa pagbisita sa lugar ng mga durugista!

FUNFARE - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May isang mataong lugar sa isang kilalang lunsod na palaging dinadayo ng ina ng isang pamosong female personality. Araw-araw siyang nakikita du’n, kung minsan ay meron siyang kasama, pero kadalasan ay nag-iisa lang siya.

Looban ang bahay na pinupuntahan niya, kaya ang ginagawa ng mommy ng aktres, iniiwanan niya ang kanyang kotse sa may labasan dahil masyadong makipot ang daan papasok sa bahay ng sinasabi niyang kaibigan.

Pamilyar na ang kanyang hitsura sa mataong lugar na ‘yun, kilalang-kilala na siya pati ng mga tambay, marunong pala kasing makisama ang ina ng aktres.

Kuwento ng isang source, “Meron kasi siyang pasalubong na pandesal sa mga tambay, binibigyan din niya ang mga tsismosang nadadaanan niya papunta sa bahay ng kaibigan niya.

“Marunong siyang makisama, alam ng mga nandu’n na anak niya si ____(pangalan ng isang maganda at seksing female personality), dahil minsan, e, binabalitaan pa nga siya ng mga tambay du’n tungkol sa anak niya.

“Sasabihin sa kanya, ‘Mommy, ang galing-galing umarte ng anak mo kagabi, a? Napanood ko siya, magaling siya!’ Nagpapasalamat naman siya,” kuwento ng aming impormante.

Ilang linggo na ngayong hindi nakikita sa naturang lugar ang ina ng aktres, kahit anino lang niya ay hindi na napapadpad du’n, nag-iingat na siya.

Sultada uli ng aming source, “Talagang hindi na siya dapat magpunta du’n, mahirap na, baka isang araw, e, mabalitaan na lang ng anak niya na nakatimbuwang na ang mommy niya!

“Mainit ngayon sa lugar na ‘yun, minamanmanan ‘yun ng mga otoridad. Laganap kasi ang droga sa lugar na ‘yun, kaya any moment, baka ma-Oplan Tokhang sila!

“Nakakaawa naman ang anak niya, nagpapakamatay sa pagtatrabaho ‘yung tao, tapos, ang mommy niya naman, e, puro problema ang iniaakyat sa bahay niya,” naaawang sabi ng aming impormante.

Ubos!

Zsa Zsa natuto na, binabantayan na ang emosyon sa nakabalikang BF

Tahimik lang si Zsa Zsa Padilla tungkol sa pagbabalikan nila ni Architect Conrad Onglao. Ang manager lang ng singer-actress ang nagbigay ng kumpirmasyon tungkol sa pagbabalikan pero hindi pa raw handang magsalita si Zsa Zsa.

Nu’ng nakaraang Mayo naghiwalay ang arkitekto at si Zsa Zsa, marami siyempreng nagulat, dahil may plano na silang magpakasal nu’ng nakaraang September.

Nangako si Architect Onglao na anuman ang mangyari ay magbabalikan din sila, gagawin daw nito ang lahat para muli itong pagkatiwalaan ni Zsa Zsa, at nangyari nga ‘yun.

Naniniwala naman ang anak ni Zsa Zsa na pinagagaling daw ng panahon ang lahat ng sugat, pero wala pa itong alam tungkol sa pakikipagbalikan ng mommy nito sa arkitekto, mag-uusap pa lang daw sila.

Siguro nga ay todo ang ginagawang panunuyo ni Architect Onglao kay Zsa Zsa, hindi ito nagsayang ng panahon, lalo na’t madalas nitong sabihin na si Zsa Zsa raw ang pinakamagandang regalong natanggap nito sa kanyang buong buhay.

Walang makakokontra sa desisyon ni Zsa Zsa na makipagbalikan sa lalaking iniwan na niya nu’n. Puso niya ang nagdikta sa kanya para gawin ‘yun, siguro nga ay kay Architect Onglao niya natikman ang kaligayahang hindi niya nakita sa mga nakaraan niyang karelasyon, kung saan siya maligaya ay sinunod lang ng singer-actress ang kanyang puso.

Nasa wastong edad na si Zsa Zsa para bantayan ang kanyang emosyon, hindi na siya kailangan pang turuan, kung sa pangalawang sultada ng pagmamahalan nila ng arkitekto ay nagkamali pa rin pala siya ng pagpili ay siya lang naman ang magdadala nu’n.

Wala siyang dapat sisihin, hindi siya makapagtuturo ng ibang tao, dahil siya lang naman ang gumusto sa kanilang pagbabalikan.

vuukle comment

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with