PMA cadet namatay sa peptic ulcer
MANILA, Philippines - Isang bagong pasok na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang namatay sa kaniyang itinagong sakit na peptic ulcer.
Kinilala ni PMA Spokesman Reynaldo Balido ang biktimang si Cadet Fourth Class Erwin Christian Vergara, 19-anyos, tubong Alcala, Cagayan na binawian ng buhay noong Mayo 1 matapos ma-confine sa intensive care unit ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) noong Abril 25.
Namatay si Vergara dahilan sa naranasang ‘internal bleeding’ sanhi ng malala ng sakit nitong peptic ulcer.
Nabatid na pumasok sa PMA si Vergara noong Abril 1 kung saan nadiskubre lamang ang sakit nito noong Abril 22 matapos itong dumaing ng matinding pananakit ng tiyan.
Ayon naman kay Dr. Sheila Marie Jardiolin, Commanding Officer ng PMA Hospital nadiskubre lamang ang sakit ni Vergara matapos itong matanggap na sa akademya.
- Latest