^

PSN Showbiz

Mamahaling sapatos ni Heart pinagdiskitahan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ipinagtanggol ni Dennis Trillo si Heart Evangelista sa nam-bash sa aktres sa grand storycon ng Mulawin vs. Ravena na ipinakita sa 24 Oras. Pinintasan ang costume ni Heart pati ang suot nitong sapatos na may takong. Hindi raw ganu’n ang costume ni Angel Locsin, na gumanap noong Alwina sa unang Mulawin at walang takong ang sapatos.

“Ang sa akin lang, sana maintindihan ng mga tao na magkaiba sina Angel at Heart at mahirap palitan si Angel. Pero sana, bago pagsalitaan ng hindi maganda si Heart, tingnan muna kung ano ang ma-o-offer ni Heart sa role ni Alwina. Magugulat sila dahil pumayag magpa-harness si Heart.”

Christian Louboutin din daw ang sapatos na ‘yun at wala pang ganu’ng sapatos noong panahon ng mga Mulawin. Ang tsika, sa grand storycon lang isinuot ni Heart ang controversial shoes dahil sa taping, iba ang gamit nito.

Samantala, hindi pala nabasa ni Dennis ang comment ni Angel na “Hi, Gabriel” na pangalan ng aktor sa fantaseye. Tuluy-tuloy na ang taping ni Dennis at ng ibang kasama.

Endorser naman ang aktor ngayon ng Chicken Deli. In fairness, masarap ang Chicken Inasal na authentic pati ang ibang putahe sa Chicken Deli. Nagpapasalamat naman si Dennis sa pagkuha sa kanya bilang endorser.

Anyway, nagpasalamat din si Dennis kina Arra San Agustin at Klea Pineda, mga bagong talent ng GMA Artist Center at GMA-7 na parehong may crush sa kanya.

“Nakaka-flatter naman dahil kumpara sa kanila, beterano na ako. Ang sarap naman na sinusuportahan ako ng mga batang artista at nilu-look up nila ako. Siguro, gusto nila magkaroon ng leading man na gaya ko,” reaction ni Dennis.

Fans ng KathNiel gustong kabugin ang kita ng Barcelona…

Pinalakpakan ng nanood ng premiere night ng Northern Lights: A Journey To Love ang trailer ng Can’t Help Falling In Love, ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla mula sa Star Cinema at showing sa April 15. Kinilig ang audience sa mga eksena ng dalawa.

Boses ni Daniel ang narinig naming kumanta ng theme song with the same title. Pareho na sila ni Piolo Pascual na siya ring kumanta ng theme song ng Northern Lights na All Out of Love.

Nakakatuwa ang KathNiel fans dahil tsina-challenge ang kanilang mga sarili na malampasan ang P322 million na gross ng Barcelona: A Love To Last na last movie nina Daniel at Kathryn.

Sa April 15, na ang showing ng Can’t Help Falling In Love, ngayong araw ang presscon sa sinasabing first mature role ng magka-love team sa direction ni Mae Cruz-Alviar.

Shaina inisnab ang pelikula ni Piolo!

Speaking of Northern Lights, star-studded ang premiere night nito na pinangunahan ni Charo Santos-Concio ang mga dumating. Nakita rin dito sina director Olive Lamasan, director Bb. Joyce Bernal at mga artista ng ABS-CBN na sina Iza Calzado, Billy Crawford, Coleen Garcia, Robi Domingo at Ylona Garcia.

In-announce rin ang presence nina Gerald Anderson, Erich Gonzales, Sofia Andres, Tanner Mata, Inigo Pascual, Diego Loyzaga, Joem Bascon, Neil Arce, at marami pang iba.

Present din of course sina Mother Lily, Roselle Monteverde, Manny Valera, Gil Cuerva at marami pang iba.

In-announce na darating sina Jennylyn Mercado at Rocco Nacino na talents ng GMA-7, pero hindi sila dumating.

Hinanap namin si Shaina Magdayao, pero wala rin siya. Hindi tuloy nito narinig kung paano magsigawan sa kilig ang fans tuwing may eksena sina Piolo at Yen Santos lalo na sa love scene nila.                  

vuukle comment

DENNIS TRILLO SI HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with