^

Kutob

Marso 9, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang bawat pagsubok ay hakbang para mapatatag ang buo kong pagkatao, maging ang pana­nampalataya ko sa aking Manlilikha.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Maging alerto at makiramdam ng mabuti sa bawat galaw ng panahon. Malamang masisiraan ka ng dahil sa inggit. Mag-ingat sa isang Scorpio. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung may suliranin ang iyong kaibigan, kasamahan o kasambahay, ikaw ang magreresulba sa pamamagitan ng payo o materyal na bagay. Hindi masama ang tumulong, ngunit ibigay sa nararapat. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at sky blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Praktikal ang dapat gamitin sa tahanan at maging sa trabaho. Wala kang maaasahang tulong mula sa kasamahan, kaibigan, kasambahay at maging sa kamag-anak ngayon, kaya sariling sikap ang dapat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging mapusok ka nga­yon at kung walang pagpipigil sa sarili, dadalhin ka sa kapahama­kan. Ngayon ay dapat iwasan ang mga barkada dahil masasangkot sila sa iyong gawain o ikaw ang masasabit sa gagawin nila.  Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magiging abala ka sa maraming bagay, pangperso­nal o sa trabaho. May magtatampong kaibigan, kasambahay o kasamahan o ‘di kaya minamahal dahil hindi mo mapapaunlakan ang hinihiling. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May masaya at malungkot na mangyayari. Malamang may magandang balita na matatanggap. May matutuklasan na siyang magiging dahilan ng pagkalungkot. Ang mahalaga ay maging praktikal sa anumang mangyayari.  Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung haharapin ang dapat harapin, lalo kang makikilala dahil sa iyong talino at husay. Iwasan na magbigay ng opinyon sa taong hindi lubos na kakilala dahil kabaligtaran ang kanyang akala sa hangad mong makatulong. May surpresang darating. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala at kaligayahan. Magiging maligaya ang tungkol sa pag-ibig kung Taurus ang kapareha. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar upang maiba ang ihip ng suwerte at kapalaran.  Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Lingunin ang pinanggalingan at iwasan na maghangad na lumipad nang mataas dahil kung babagsak, sasabog ang lahat ng pangarap. Magpaka-totoo ka.  Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Sasama ang iyong mood o pakiramdam sa sitwasyon ngayon. Kailangan ang payo ng higit na nakakaalam sa iyong problema. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Pag-isipan nang mabuti ang mungkahi o suhestiyon. Kung maganda ang idudulot, tanggapin. Subalit kung inaakalang walang mapapala, tanggihan o huwag gawin.  Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with