^

Probinsiya

Pamangkin ng chairman tiklo sa droga

HINTS AND TRACES - Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Rehas na bakal ang kinalagyan ng 34-anyos na pamangkin ng barangay chairman matapos itong arestuhin ng mga pulis sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Baligatan, Ilagan City sa Isabela kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City PNP ang suspek na si Clayford Balayan Ferrer na sinasabing siga sa nasabing barangay.

Ayon kay Quilang, isinagawa ang pagsalakay ng mga pulis sa bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Isaac de Alban Regional Trial Court matapos isuplong ng mga kapitbahay ang patuloy nitong pagtutulak ng droga at paghahasik ng lagim sa kanilang lugar. ?

Ayon sa pulisya, may naka­binbin pang kasong frustrated homicide si Ferrer at sinuway pa si Mayor Evelyn Diaz sa panawagan nitong sumailalim sa drug validation matapos makisawsaw sa Oplan Tokhang.

Nasamsam sa suspek ang 10 plastic sachets ng shabu, baril, at mga bala.

vuukle comment

BARANGAY BALIGATAN

ILAGAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with