Banal top pick ng Elite
MANILA, Philippines – Si Mac Belo ang pinili ng Blackwater sa hanay ng mga Gilas Pilipinas players sa isang ‘pre-determined’ draft, habang si big guard Raphael Banal ang hinirang nilang No. 1 overall pick sa 2016 PBA Rookie Draft kahapon sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.
Ang 6-foot-1 na si Banal ay anak ni dating PBA coach Joel Banal at nag-aral ng kolehiyo sa Hope International University-California sa United States.
Naging impresibo ang 23-anyos na si Banal sa two-day PBA Draft Combine at makakatuwang sina Belo at sophomore guard Arthur dela Cruz sa magiging kampanya ng Elite sa darating na PBA season.
“Ibibigay ko lang yung best ko para manalo kami tsaka may mga veterans din naman sa team tapos may mga young guys sina Art (dela Cruz) so maganda din yung team namin,” sabi ng 6’5 na si Belo, tumulong sa paghahari ng FEU sa nakaraang UAAP season.
Bukod kay Belo, ang iba pang Gilas Pilipinas members na kinuha sa ‘special draft’ ay sina Kevin Ferrer (Ginebra), Jio Jalalon (Star), Roger Pogoy (TNT Katropa), Arnold Van Opstal (San Miguel), Mike Tolomia (Rain or Shine), Matthew Wright (Phoenix), Fons Gotladera (NLEX), Ed Daquioag (Meralco), Russel Escoto (Mahindra), Von Pessumal (Globalport) at Carl Bryan Cruz (Alaska).
Sa regular draft ay kinuha ng Phoenix si playmaker Gelo Alolino, bumida sa paghahari ng National University sa UAAP noong 2014, bilang No. 2 overall ng Phoenix.
Makakasama ni Alolino sa Fuel Masters ang kanyang Bulldogs teammate na si Jeff Javillonar na kinuha bilang No. 12 pick.
Itinanghal naman ng Gin Kings bilang No. 3 si 6’5 Jammer Jamito ng St. Clare College at kinuha ang 6’11 na si dating practice player Jericho De Guzman bilang No. 10 pick.
Ang iba pang nahugot sa first round ay sina dating Mapua forward Joseph Eriobu (No. 4, Mahindra), dating University of the East slotman Chris Javier (No. 5, Star), Fil-Am Rashawn McCarthy (No. 6, San Miguel), Jonathan Grey (No. 7, Star), Reden Celda (No. 8, NLEX).
Sa second round ay nabunot sina Tristan Perez (Blackwater), Alfrancis Tamsi at Ryan Arambulo (Globalport), Jessie Saitanan (Meralco), Jovit dela Cruz (San Miguel), Pao Javelona at Achie Iñigo (Phoenix) at Cedrick Ablaza (Mahindra).
- Latest