^

Punto Mo

‘Inutusang bumalimbing?’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BIGLA ‘atang lumambot ang matigas na bumbunan ni outgoing President B.S. Aquino.

 Kung dati kasi kaliwa’t kanan ang pambabatikos, pamumuna at pagtuturo ng sisi sa kung sinumang gusto niyang saltikin, ngayon naman para siyang tupang nasobrahan ng bait lalo na kay incoming President Rody Duterte.   

 Hindi matiyak kung bahagi ito ng sinasabi niyang pansa-mantalang pananahimik bilang kortesiya sa susunod na pangulo o kaplastikan lang.  

 O baka naman nahipan siya ng masamang hangin at natanggap niya nang wala na siyang kapangyarihan sa kaniyang mga kaalyado at hindi na siya pinapa-kinggan.  

 Hinggil ito sa isyu ng balimbingan sa Kongreso. Sa kabuuang bilang na 189 na mga kongre­sista, 115 ang mga “Yellow army.”

 Pero sa 115 na ito ng Liberal Party, 80 sa kanila at nadadagdagan pa, tumalon at umanib na sa lumalakas na majority coalition ng partido ni Duterte ang PDP-Laban.

 Kaya itong si PNoy biglang nagsalita. Hindi matiyak kung talagang sinsero sa kaniyang sinabi o gusto niya lang iligtas ang sarili sa kahihiyan o face saving kung sa ingles.

 Ayon kay House Speaker Sonny Belmonte na kilalang kaalyado ng papaalis nang mama sa Palasyo, may “go signal” daw mismo si PNoy sa kanilang partido Liberal. 

Suportahan ng mga myembro ng LP sa Kongreso si Duterte at ang napipisil niyang susunod na House Speaker na si Rep. Pantaleon Alvarez.

 Ito namang si Caloocan Rep. Edgar Erice na isa ring LP, may sariling paninindigan at kondisyon. 

Napag-meeting-an daw ng mga “dilaw”  noong nakaraang linggo sa Malakanyang na makikipag-alyansa lang daw sila sa PDP-Laban kung gagawing committee chairman ang ilan sa kanilang mga kakulay.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang episode mag-subscribe sa BITAG official YouTube channel.

vuukle comment

CEBU CITY MAYOR TOMAS OSMEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with