^

Probinsiya

Riot sa resto bar: 1 dedo, 2 kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Isa ang kumpirmadong patay habang da­lawa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos pagbabarilin ng pangulo ng isang Muslim organization makaraang magkaroon ng pagtatalo sa loob ng isang resto bar kahapon ng madaling-araw sa Brgy. San Vicente, Silang, lalawigang ito. Kinilala ang nasawi na si  Jonathan Guttierrez, nasa hustong gulang habang kritikal ang dalawa pang kasama nito na sina Jaime Paraiso at  Mark Eric Corpuz, pawang sa Brgy. Biga 1, Silang. Pinaghahanap ang suspek na si Awie Campong, 30, may-asawa, tubong Maguindanao, at residente ng Apartment C. Brgy. Buho, Silang, Cavite, umano’y  presidente ng Muslim Association na nakabase sa Olivares, Tagaytay City. Sa ulat ni SPO2 Eric Ambojia, alas-2:30 ng madaling araw habang nasa loob ng DJ Restobar sa Bypass Rd., Brgy. San Vicente 2, Silang ang biktima at mga kaibigan na nag-iinuman habang katabi ang grupo naman ng suspek nang ilang sandali ay nagkaroon umano ng pagtatalo sa isang ka-grupo ng suspek at isa sa mga biktima sa loob ng comfort room hanggang sa mauwi sa suntukan, at rambulan.

vuukle comment

RIOT SA RESTO BAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with